In an interview on DZBB, Sen. Lacson addressed questions on:
* realigning P68B in ‘skeleton projects’ for areas hit by recent typhoons
* reports of getting COVID-19 vaccine
MORE DETAILS:
* REPORTED COVID VACCINATION:
“Alam mo kaming mga senador pag nasa lounge kami lalo na kung stressed out kami, lalo mahigit isang linggo kami sa budget, wala kaming ginawa kundi magbiruan ng biruan. May kanya-kanyang trip. Minsan hindi mo na alam ano ang totoo at ano ang hindi sa biruan namin. Ako ang isang trip ko kilala nila ako, isang trip ko gustong gusto ko may senador na sumasayaw sa balat ng mani. Kasabihan yan sa amin sa Cavite, ang pinasasayaw sa balat ng mani. Ang biro na talagang akala mong totoong totoo, sayaw ng sayaw naniniwala pero actually biro. Pero alam mo having said all that, let’s leave it at that.”
“Pag minsan nagbibiruan, hindi ko sinasabing biro di ko sinasabing totoo. Pag nasa lounge kami lalo pag aabutan ng madaling araw para kinabukasan maaga kami, siyempre nagpapalabas kami ng stress. Kaya pag nasa lounge at naka-break wala nang ginagawa kundi kung anu-anong kwentuhan, di mo na alam kung ano ang totoo at ano ang hindi. So let’s leave it at that.”
* 2021 BUDGET:
House Members’ Intervention in List of Appropriations:
“Ang source ng aking information sa latag ng distribution, sa HOR mismo, ang myembro nila ang nagbigay sa akin ng listahan. Sa listahan nakalagay pangalan ng kongresista, kung anong distrito.”
“Sa pag-submit pa lang ng DPWH, meron nang intervention na ginagawa ang ilang kongresista para sa kanilang distrito. Nangyari ito, di ba nang nag-interpellate ako sa general principles, kinwestyon ko na ito, sabi ko bakit naka-lump sum ang P396B worth ng proyekto ng DPWH? Nakalagay lang doon preventive maintenance, primary, secondary and tertiary roads. Ang sagot, kasi Sept. 9 kami nag-DBCC, late nag-submit ang DPWH, Aug. 25 sinubmit ang NEP. Hindi pa nakaka-submit ang DPWH. So nang nag-submit ang DPWH, Sept. 7 na. Ang info namin noon, galing din sa HOR, di kami nag-imbento, at galing din sa DBM, at inamin ng DBM na delayed ang pag-submit ng DPWH. Ang nangyari, kaya nagka-delay-delay ang DPWH, dahil may haggling na nangyari. Hindi sila magkamayaw kung papaano ang distribution ng mga proyekto.”
“Nang nagpalit ang liderato napansin namin ang sa NEP isang distrito P9B, siguro medyo matibay ang distrito na yan, paglabas ng GAB meaning under the new leadership, umabot ng P15B. May distrito rin na nasa P4-5B, paglabas ng GAB nadagdagan ng another P4-5B, P7.9B, 7.5B. So nakakagulat talaga. Ganito ba ang kalakaran? Di ba ang mahirap na distrito mas malaki ang makuha para maka-develop sila? Yan ang issue.”
Pattern of Additions, Subtractions:
“Ang pattern, nang nagpalit ang liderato, nagpalit ang ihip ng hangin. So ang iba from NEP nabawasan sa GAB under the new leadership. So ang malapit sa kusina yan ang nadagdagan at ang outside the kulambo, yan ang nabawasan. So hindi pwedeng sabihin sabi ng appro chairman wala kaming pakialam dito, ito agency-initiated ito at kami kinopya lang namin, copy and paste.”
“Kung titingnan mo ang pattern hindi totoo ang sinabi ng ilang kongresista, sina Reps. Lagman and Yap na sinasabi nilang wala silang pakialam kundi agency ang nag-initiate. E doon pa lang makikita mo ang pattern pagka kapalit ng ihip ng hangin, nadagdagan siya; ang outside the kulambo nabawasan. Ang point ko, hindi pwedeng walang pakialam ang kongresista, tulad ng sinabi nila na copy and paste lang nila ano ang nilatag ng ahensya, ng DPWH.”
“Ang mali riyan, nababalewala ang planning. Tulad ng nag-interpellate ako sa DPWH ang daming situation na dahil sa poor planning, mali-mali ang paglalatag, pati pag-implement. Tulad ng nagkakaroon ng overlapping, kasi mali ang planning. Sayang ang pera.”
“Hindi mapapaliwanag yan kasi nagkaroon ng intervention. Even sa pag-submit ng NEP ng DPWH, halos hindi na makilala mismo ng DPWH ang kanilang sinasubmit na proyekto.”
P474-B for Districts:
“Kinwestyon ko lang dito ang lump sum appropriations ng DPWH P396B. kasi nga napanghimasukan nang kanilang pineprepare ang submission nila dahil naka-lump sum. Sa dami ng humihingi nag-request ng proyekto, hindi lang ang mga lump sum appropriations ang galaw. Lumampas pa kasi from P396B na lump sum na dapat in-itemize, umabot na ng P474B. Lumaki pa. So nagkakaloko-loko ang pag-implement ng projects.”
“Ang isa pang issue doon, tinatanong kasi anong problema. Isang issue roon, kaya bang implement sa loob ng 1 district ang P15B worth of projects? Baka hindi kakayanin masasayang ang pondo. Sa halip na mapakinabangan sa ibang lugar na mas nangangailangan, lalo ngayon maliwanag ang budget philosophy for 2021 is Reset, Rebound Recover. Pagkatapos makakita tayo ng 739 proyekto puro MPB.”
“Ang standard explanation ni Sec Villar, ilang taon na yan ang standard na sagot niya, we always refer to the wisdom of the lawmakers. Ang sinasabi niya, tama rin naman yan, power of the purse kuno nasa Congress. Kami pwede kaming mag-amend at yan ang panghihimasok namin. Sabi ko sa isang pulong natin ang budget process, 4 yan. Budget preparation, executive branch, yan dapat huwag pakialama ng Congress kasi budget preparation yan, yan ang NEP. Ngayon pag submitted ang NEP sa Kongreso doon may pakialam ang Kongreso. Ang tawag doon budget authorization. Meaning pwede kami mag-interpellate at mag-amend kung may makita kaming mali kasi policy direction yan susundan namin ang policy direction kaya nag-a-amend kami. Tapos ng authorization, babalik uli yan sa executive branch, sa budget implementation, sila naman mag-implement wala kaming pakialam doon. Pero ang nangyari sa kalakaran, sa implementation, may paboritong contractor ang ilang mambabatas, sila lagi nananalo sa bidding. At kaya may pakialam ang ilang mambabatas appointed ang kanilang district engineers, halos wala nang kinalaman o decision ang DPWH sino ia-assign na district engineers kasi mga bata-bata na ng mga district representatives.”
Iniikutan ang SC Ruling sa Pork:
“Hindi ‘pork.’ Pero ang hindi rin nabago, hindi pork ang tawag kasi walang post-enactment identification. Identified na. Kaya ang nangyayari, iniikutan nila ang SC ruling. Dahil wala na ang post-enactment identification, sa NEP pa lamang o sa GAB ina-identify ang proyekto, so walang pork in the strictest sense of the word. Pero sa implementation di nawawala ang commission.”
“Alam natin may nakakausap tayong kontratista umiiyak ang iba. Ang description nila pag ang isang mambabatas, kung 10% hiningi, mabait. Ang salbahe sa kanila ang humingi ng 20% nandugas pa, hihingi ng advance tapos hindi pa sumunod sa usapan. Yan ang tinatawag na balasubas.”
“Alam natin ang kalakaran. Ang bottom line naman of course ang daming kongresista rin kaya sila nagre-realign para sa mga districts nila gusto nila ma-develop ang districts nila. Pero alam natin may mga kongresista wala silang pakialam sa development. Ang kinukwenta lang nila magkano kikitain nila. Yan ang issue na nire-raise ko.”
“Ang national budget ito ang lifeblood, ito ang kumbaga sa katawan natin, ang dugo na dumadaloy sa ating veins papunta sa puso at utak. Ang nangyari pag nabarahan yan, stroke ang aabutin. Ganoon din bansa natin, pag bara-barado dahil napakialaman nahimasukan nagkawindang-windang ang appropriation, ma-stroke ang bansa natin. E ngayon para tayo na-stroke kasi ang laki ng utang natin. Sino ba tatamaan ng utang natin? Ang susunod na henerasyon. Hindi naman tayo eh kasi narito tayo ngayon, sanay na sa ganyang buhay. E ang mga anak at apo natin wala silang kamalay-malay daratnan nila ganoong klaseng buhay sa PH na walang asenso ilang daang taon na yan.”
“Kung makakita kayo ng tao nasa bubong ng bahay ilang araw hingi ng saklolo dahil nabaha ang lugar nila sa bagyo di ba magagalit ka, maisip mo ang budget? Ako ganoon eh. Noong lumabas ang mga video sa Marikina, sa Cagayan, may mga tao sa bubong, may matatanda at mga bata. Hindi ako nakatulog nang gabing yan maski maaga ako gigising dahil mag-interpellate ako hindi ako nakatulog. Kasi nga pag mabigat sa dibdib mo at magagalit ka di ka makatulog. Kaya ine-explain ko ang aking situation bakit ako napaka-passionate sa budget.”
Possible Realignments:
“Nang sinubmit ang NEP wala pa si Rolly, Quinta at Ulysses. Kaya ngayon pwede kami mag-adjust kasi ang budget nasa authorization phase pa ang budget process. Ito ang trabaho namin. Mag-adjust kami alinsunod sa budget framework. Ang budget framework galing sa executive, Reset, Rebound Recover. Nasa recovery tayo galing pandemya. Nabigyan natin buhayin natin ang economy dahil matagal nang nahimlay, di tayo nakalabas lahat, namatay ang economy. Mararamdaman natin ito next year kasi walang makokolektang buwis ang pamahalaan, walang business activities this year mostly. Ito ang kino-correct namin sa pamamagitan ng amendment.”
“Kung Rebound, Recover, kalimutan muna natin ang MPBs na skeleton ang hitsura. Ilang proyekto ang nakita namin na tig-P1M? Napakarami, 739 MPBs na tig-P1M lang. Pinakita ko na itsura ng P2M. E puro ito korteng skeleton. Kung papondohan mo 739 na tig-P1M, tig-kalahating poste lang tatayo. Gusto natin isantabi muna yan. At napakalaki niyan, P68B lahat yan. Kaya ang aking panawagan sa kasamahan ko kung pwede isantabi muna ang P68B worth ng MPBs. Hindi naman lahat kasi hinimay namin yan, may nakita kami na MPB na kailangan talaga like DPWH office na nakalagay sa 1 distrito, palampasin mo yan kasi opisina ng DPWH yan, mga national buildings. (Ang local infrastructure projects) karamihan na MPB na pang-local na baka pwedeng ipagpaliban sa 2021, may 2022 at 2023 na pwede sila nagpagawa ng MPB. Pero sa susunod na taon mag-focus na lang tayo sa COVID.”
“Mostly sa P68B sabihin na natin makapagbawas tayo ng P40-50B, dadalhin ito sa panukala ko na kung ito ma-adopt sa Senate version at bicam, maglagak tayo ng P20B sa assistance to LGUs, especially ang mga tinamaan ng 3 bagyo, Rolly, Quinta, Ulysses. Pupunta ito sa Cagayan, Bicol, Marikina para ang development nila ma-maintain para di lang sa pagpapagawa ng evacuation o quarantine facilities kundi makapagsimula uli sila kasi bilyon ang nawala sa kanila in terms of agriculture, kabuhayan, mga bahay roon. Ilagak natin sa isang pondo na ang mangangasiwa OP or DBM pero ang pondo pupunta mismo sa LGU kaya description sa budget ALGU at LGSF, Local Govt Support Fund.”
“Ako nag-defend sa budget (ng DICT). Sa ngayon ang hinihingi ng DICT para sa NBP, P18B para makumpleto. Tayo ang govt agencies hindi na mag-subscribe sa private telcos. Kasi fiber ito. Maglalatag ang DICT, ang govt mismo, P18B kailangan nila. Parang Maharlika Highway pero papasok sa mga probinsya, bayan at barangay. Ang NGAs hindi na mag-subscribe sa private sector, may sarili nang national broadband. Ang Senate secretariat, 1 taon subscription fee P4M. Ang bawa’t opisina ng senador, P62M subscription. Mawawala yan pati DPWH pati mga ahensya pati mga bureaus at mababang opisina may sariling internet service.”
“Mga P34B ang matitipid sa 5 taon. At saka new normal natin puro tayo webinar, Zoom, Internet, online learning. Di ba marapat na ang P18B bigyan sa DICT at implement nila ang NBP? Hindi lang yan. May kailangan sila na mga P6B ang kulang nila P3B para sa free WiFi.”
Possible Bicam Deadlock:
“Kaya pinapaliwanag ko ang significance ng pinaglalaban ko. Para sa ganoon kung marinig ng ibang kongresista, ibang senador at mga kababayan natin kung ano pinaglalaban natin at least may makatulong. Kung mag-isa ako roon tiyak talo ako. Mas maganda ma-enlighten natin kababayan natin ano ang importance ng ayusin natin ang paglagak ng appropriations sa ating natunal budget. Kung mag-isa ako, voice in the wilderness. Maski anong paliwanag gawin ko walang nakakarinig. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo pinaguusapan natin napakahalagang bagay, tulad ng ating national budget na sabi ko nga lifeblood ng ating bansa at ekonomiya.”
*****