Ping: Localized Peace Talks, Dapat Isulong sa Mga Rebelde

Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde, mas naaangkop sa lokal na lebel.

Ito ang paraan na nakikita ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate National Defense Committee, para matigil ang karahasan sa mga lugar na tukoy na pimamahayan pa rin ng mga armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa mambabatas, tama lamang na isulong pa rin ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga armadong grupo na sinasabing may ipinaglalaban, bagama’t nasa mas mainam na kalagayan ang lokal na pamahalaan para tugunin ang kanilang hinaing.

“Giving up on peace should not be an option. But given the failures of past administrations who engaged in centralized peace negotiations, I fully support the present efforts of localizing it,” pahayag ni Lacson matapos ang huling pagdinig ng Senado sa red-tagging.

Related: Lacson Reiterates Support for Localized Peace Talks with Insurgents

Paliwanag ng senador, malaki ang maitutulong ng mga lokal na pamahalaan sa localized peace talks dahil ang mga ito ang lehitimong nakakaalam kung ano ang situwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan, at hindi umano lahat ng lugar ay pare-pareho ang kalagayang pangkapayapaan.

“For one, not all LGUs have the same level of insurgency problems in their communities. That makes it more practical and efficient to pursue it at the local level with the national government just providing the guidance and support,” banggit pa ng mambabatas.

“What is needed from the national government would be clear guidelines and parameters for the talks, along with the proper assistance and supervision,” dagdag pa niya.

Ayon din kay Lacson, lumalabas ang kawalan ng kontrol ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Ma. Sison sa New People’s Army, o kaya ang posibilidad na sadyang wala itong balak tumupad sa mga binibitiwang salita.

“Either that, or there is basis in the claim of the security sector that bad faith through deception has always been part of the CPP/NPA/NDF Central Committee’s agenda in calling for bilateral ceasefires with the government,” banggit pa ng mambabatas.

“That explains why even if Sison agreed to a ceasefire, the NPAs continue their attack,” dagdag pa ni Lacson.

Naging patas si Lacson sa magkabilang panig sa pamumuno niya sa tatlong pagdinig sa red-tagging, kung saan halos one-to-sawa ang oras na binigyan sa bawa’t panig upang isalaysay ang gusto nilang sabihin. Ang lahat na natalakay sa mga pagdinig ay magiging bahagi ng bubuuing panukala.

“Just because they cannot have it themselves, the Makabayan bloc now accuses the Senate of being a ‘venue for witch hunting’ in our red-tagging inquiry. Looking for a scapegoat is normal for people who feel they were a bunch of losers,” pahabol pa ni Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

*****

One thought on “Ping: Localized Peace Talks, Dapat Isulong sa Mga Rebelde”

Comments are closed.