Ping: Babatayan ang Saligang Batas Kung Maging Asuntong Kriminal Man ang Red-Tagging

Sasandalan ang Saligang Batas.

Ito ang tiniyak ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, sa usapin ng posibleng pagtukoy sa red-tagging bilang isang asuntong kriminal.

Ang komite ni Lacson ang nanguna sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan sa naturang usapin.

Isiniwalat din ng mambabatas na matapos ang pagdinig ng pinamumunuang komite sa nabanggit na usapin, puspusan na ang ginagawang pag-aaral ng kanyang tanggapan sa lahat ng argumento at position papers na isinumite ng dalawang panig sa naganap na tatlong pagdinig.

Related: Lacson: Constitution to be Ultimate Guide on Potential Criminalizing of Red-Tagging

“We will study and consider the matter, but the bottom line is that such a move will not violate our Constitution,” paliwanag ni Lacson sa panayam ng himpilang DZAR.

“One major issue to be addressed if we are to criminalize red-tagging or red-baiting is if it will infringe on our Constitution’s provision ensuring freedom of expression and freedom of speech. This is a basic right that cannot be violated. That said, there are opposing views that such freedom is not absolute – that is why we have laws penalizing libel and cyber-libel,” banggit pa ng mambabatas.

Muli ring ipinaabot ni Lacson sa publiko na naging patas para sa lahat ng panig ang ginawang pagdinig ng kanyang komite upang pabulaanan ang mga lumalabas na kritisismo at bashing sa social media.

Bagama’t nauna nang naparatangan ng “witch-hunting” ang pagdinig na naging dahilan para sa negatibong impresyon ng publiko, tinanggap naman ni Lacson ang “paglilinaw” na ginawa ni Makabayan Rep. Carlos Zarate.

Sa kasalukuyan, inuulan pa rin si Lacson ng bashing mula sa netizens at bloggers, kabilang ang mga “kalaban” ng pamahalaan at pati na rin ang mga nasa sektor ng pamahalaan.

“That comes with the territory. Given my decades in public service, I have accepted that I cannot please everybody, especially in such a sensitive issue. But with that said, considering that both sides are bashing me on social media means I am doing something right. Otherwise, if one side keeps bashing me and the other keeps praising me, that might be a sign of bias,” banggit ni Lacson

“What is important is that the hearings have helped enlighten the public on the issue,” dagdag pa ng senador.

*****

One thought on “Ping: Babatayan ang Saligang Batas Kung Maging Asuntong Kriminal Man ang Red-Tagging”

Comments are closed.