Mas magkakaroon ng balance of power sa South China Sea ngayong higit na pinahalagahan ng bagong administrasyon ng Estados Unidos ang US-PH Mutual Defense Treaty.
Ito ang nakikita ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, bunga na rin ng komunikasyon sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at US State Secretary Antony Blinken.
“There you go. The US-PH Mutual Defense Treaty is one yet untapped weapon in our arsenal. I certainly hope we do not draw that weapon. Meantime, we might as well keep it there,” banggit ni Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account matapos ang pagpupulong nina Locsin at Blinken.
Related: Lacson: ‘Reaffirmed’ US-PH Mutual Defense Treaty to Maintain Balance of Power in South China Sea
There you go. The US-Ph Mutual Defense Treaty is one yet untapped weapon in our arsenal. I certainly hope we do not draw that weapon. Meantime, we might as well keep it there.
— PING LACSON (@iampinglacson) January 28, 2021
Una rito ay isiniwalat din ni Blinken sa pamamagitan ng Twitter na nagkaroon siya ng “great conversation” kay Locsin kasabay ng pagsasabing itutuloy nila ang matibay na alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabahagi sa isa’t isa ng kagalingan, kasaysayan, pagpapahalaga at matibay na relasyon ng mga mamamayan.
I had a great conversation today with @teddyboylocsin. We'll continue to build upon the strong U.S.-Philippine Alliance with our shared interests, history, values, and strong people-to-people ties. #FriendsPartnersAllies
— Secretary Antony Blinken (@SecBlinken) January 28, 2021
Naglabas din ng pahayag si US Department of State spokesperon Ned Price na nagsasabing napakahalaga ng magiging kontribusyon sa malaya at bukas na Indo-Pacific region ang pinasiglang alyansa ng dalawang bansa.
Binanggit din sa pahayag na binigyan diin ni Blinken ang kahalagahan ng MDT para sa seguridad ng dalawang magkaalyansang bansa pati na rin sa mga sektor ng tanggulan ng Pilipinas at sa mga sasakyang pandagat at himpapawid na nagagawi sa South China Sea.
Para kay Blinken, hindi tanggap ng US ang ginagawang pag-aangkin ng China sa naturang karagatan lalo na ang pagtapak nito sa mga bahaging hindi na pinapayagan ang naturang bansa sa ilalim ng umiiral na international law batay sa mga nilalaman ng 1982 Law of the Sea Convention.
Tutulong din umano sa ibang claimants ang US laban sa pangigigipit na ginagawa ng China sa mga ito.
Nitong nakaraang Miyerkules, isiniwalat ni Locsin na naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa isang batas nitong nagpepermiso sa Chinese Coast Guard na paputukan ang mga sasakyang pandagat na magagawi sa mga bahaging kanilang inaangkin.
After reflection I fired a diplomatic protest. While enacting law is a sovereign prerogative, this one—given the area involved or for that matter the open South China Sea—is a verbal threat of war to any country that defies the law; which, if unchallenged, is submission to it. https://t.co/h2wHNPPH8n
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) January 27, 2021
*****
One thought on “Ping: Mas Tumibay na US-PH Mutual Defense Treaty, Pambalanse sa Situwasyon sa South China Sea”
Comments are closed.