Ping, May Panawagan sa mga Nagbibigay ng Maling Impormasyon sa Pangulo Tungkol sa Bakuna

Huwag bigyan ng maling impormasyon ang Presidente tungkol sa bakuna, dahil hindi siya kabute na sa madilim na lugar pinapalaki at hindi nakikita kung ano ang ipinapakain.

Ito ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson sa mga nagbigay sa Pangulo ng impormasyon na hindi agarang mapapadalhan ng European Union ang bakuna laban sa COVID-19.

“Don’t treat the President like a mushroom – kept in the dark and fed with S*^t,” mariing banggit ni Lacson.

Related: Lacson to Those Who Fed President False Info: Don’t Treat Him Like a Mushroom

Matapos na klaruhin ng kinatawan ng EU sa bansa ang impormasyon, binanggit ng mambabatas na nakakapanghina sa bayan ang pagbibigay ng impormasyon sa Pangulo na pagdadamutan ng bakuna mula sa Europa ang mga Pinoy.

“So, it wasn’t EU’s fault after all. Those feeding the President false information are doing him and the country a disservice and should resign to save us all from international embarrassment,” banggit ni Lacson sa Twitter.

Muli ding ipinaalala ni Lacson na mahalaga ang maagang mabakunahan ang mga Pinoy upang malaya silang makagalaw, para sa pagbangon ng ekonomiya.

“As such, there is no room for false information especially at this critical stage of the government’s vaccination efforts,” dugtong pa ni Lacson.

*****

One thought on “Ping, May Panawagan sa mga Nagbibigay ng Maling Impormasyon sa Pangulo Tungkol sa Bakuna”

Comments are closed.