Kailangang pagbutihin ng mga awtoridad ang mga polisiyang ginagamit sa operasyon laban sa ilegal na droga upang hindi na maulit ang madugong misencounter na nangyari sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Senador at dating PNP Chief Panfilo Lacson, ang isa sa mga sistemang dapat na isagawa sa usapin ng ilegal na droga ay dapat na ang PDEA ang magsisilbing “overseer” sa operasyon kung saan nakatutok lamang ito sa intelihensiya habang ang pagsalakay o pagtimbog ay ipapaubaya na sa mga sinanay na tauhan ng PNP.
“We have to resolve the trust issue between the PNP and PDEA. But it would be better if the PDEA acted as overseer in anti-drug operations, and focus on intelligence-gathering, whether it is technical or human intelligence,” paliwanag ni Lacson sa panayam sa kanya ng DZBB.
Ang nabanggit na sistema ay ginagamit na ng ibang bansang nagpapatupad ng seryosong kampanya laban sa ilegal na droga.
“In other countries, the output of intelligence work is shared with specially trained police units, with one or two PDEA operatives accompanying or ‘guiding’ the police force in the operation. That is the ideal situation where coordination is smooth and tight. The last thing we need is the reluctance of our agencies to work together because of what happened,” dagdag pa ni Lacson.
Related: Lacson Stresses Policy Adjustments to Prevent Repeat of PNP-PDEA ‘Misencounter’
Isang halimbawa na binanggit ng mambabatas ay ang ginawa ng Estados Unidos kung saan, ang US Drug Enforcement Agency ang nagsilbing tagapangasiwa ng operasyon ng mga tauhan ng pulisya na sinanay para sugpuin ang ilegal na droga.
Sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon, nakikita ni Lacson na ang pamahalaan at mga mambabatas ay higit na mabilis mag-isip ng paraan para masugpo ang droga at maunahan ang mga sindikatong nasa likod ng mga ito.
“Kailangan ng gobyerno, kaming mga policy makers, two to three steps ahead sa iniisip ng sindikato (We in the government must make sure we are two to three steps ahead of the syndicates),” banggit ng mambabatas.
Nagpahayag din ng suporta si Lacson sa Senate Bill 3 ni Senate President Vicente Sotto III, kung saan itatatag ang Presidential Drug Enforcement Authority bilang supervising agency, na magbubuo rin ng polisiya at stratehiya laban sa iligal na droga.
Sa panig naman ng mga may pananagutan sa madugong engkuwentro ng PDEA at PNP, binanggit ni Lacson na dapat ay sampahan ang mga ito ng mga kasong kriminal dahil sa maraming buhay na nalagas sa nabanggiy ng pangyayari.
“Napakalungkot at hindi dapat maulit ang pangyayari (What happened was very sad and should not be allowed to happen again),” ayon kay Lacson.
Nababahala rin ang mambabatas sa kinahahantungan ng kampanya ng kasaluyang administrasyon laban sa droga.
“Sad to say, the government’s anti-drug efforts have not succeeded. Otherwise, we would have made a big dent in the operations of drug syndicates. This is shown by the mere fact that shabu is still being sold and so many drug addicts are roaming the streets,” dugtong pa ni Lacson.
*****
One thought on “Ping: Koordinasyon sa Anti-Drug Ops Klaruhin Para ‘di na Maulit ang ‘Misencounter’ ng PDEA at PNP”
Comments are closed.