Litratong Pumoporma sa 2022, Pinalagan ni Ping

Pinakilos na ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang mga tauhan para malantad ang mga nasa likod ng pagkalat ng litratong nagtataglay ng mensaheng pomoporma at namumulitika siya para sa 2022 elections.

Ang litratong tinutukoy ni Lacson ay nakasalut ang pangalang “PING” na nilagyan ng kahulugan na “Pangulong Iaayos Na muli ang Gobyerno.”

“It is a dirty hatchet job, to put it mildly – being circulated at a time when some propagandists, with the aid of troll farms, are accusing me of politicking by criticizing the handling of the pandemic,” seryosong pahayag ng senador.

“Now comes this photo to make it appear that I’m really politicizing the situation – and nothing can be further from the truth,” dagdag ng mambabatas.

Related: Dirty Hatchet Job: Lacson Slams Malicious Photo on Social Media

Muling nilinaw ng mambabatas na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung ano angkanyang tatakbuhin, kung sakali man, sa darating na 2022 national elections.

Lumutang ang litrato kasunod ng akusasyon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, na namumulitika ang mga taong pumupuna sa pag-handle ng gobyerno sa pandemya.

“Just because I criticize, pamumulitika na?” tugon ni Lacson kay Roque, sa pamamagitan ng Twitter.

*****

One thought on “Litratong Pumoporma sa 2022, Pinalagan ni Ping”

Comments are closed.