Hindi dapat malagay sa kompromiso ang pakikipaglaban ng Pilipinas sa mga bahagi ng West Philippine Sea (WPS) na nasa loob ng teritoryo nito, pati na rin ang iba pang mahahalagang usapin dahil lamang sa lumalalang bangayan ng dalawang magkalabang paksiyon sa pulitika sa bansa.
Ayon kay Senate committee on national defense chairman Panfilo Lacson, higit na nakakarami pa rin ang mga may lehitimong layunin para sa ikakaayos ng bansa kaya hindi dapat matabunan ang hangaring ito ng dalawang grupo na gamit ang troll farm.
“We are a deeply divided nation. DDS and Yellows bicker about anything. Worse, they assume that everybody else is their proxy. Right or wrong, either you’re with them or against them. Absolutely false! There are many of us who speak our own minds, not theirs,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Related: Lacson: Don’t Let Deep Political Divide ‘Drown’ WPS, Key National Issues
We are a deeply divided nation. DDS and Yellows bicker about anything. Worse, they assume that everybody else is their proxy. Right or wrong, either you’re with them or against them. Absolutely false! There are many of us who speak our own minds, not theirs.
— PING LACSON (@iampinglacson) May 2, 2021
Ayon sa senador, kapag taliwas sa gustong mangyari o akusasyon ng isang kampo ang inilabas ng isang nais magbigay ng lehitimong ideya o solusyon, pauulanan ito ng troll ng tinatamaang bakuran kaya nalulubog ang totoong mensaheng dapat makarating sa nakakarami o kinauukulan.
“You say something the DDS consider unflattering, you get branded a Yellow, and vice-versa. The truth is, that is not the real situation. There are many Filipinos who have their own stand on the issue,” banggit ni Lacson sa panayam ng DZRH radio.
Sa mga ganitong pagkakataon, pinayuhan ng senador ang publiko na ipagpatuloy lamang ang kanilang pagpuna sa mga nangyayari lalo na kung ito ay natutungkol sa kapakanan ng bayan.
“They should continue speaking their minds independently, especially in pursuit of our country’s national interest,” ayon kay Lacson.
Sa usapin ng WPS, dapat umanong hindi kalimutan ng mga Pinoy ang kahalagahan na maipaalam sa mga susunod na henerasyon ang kayamanang ng mawawala sa bansa kapag tuluyang nakuha ng China ang mga lugar na inuukupa nito.
“Dapat ipamulat natin sa kababayan natin ano ang nawawala sa atin ngayon at future generations pag ang West Philippine Sea pinabayaan natin. Dapat doon tungo ng usapan. Hindi pag-aawayan at magkukuwentahan kung magkano ang halaga ng donation na bakuna. Mga kababayan natin nako-confuse,” banggit ni Lacson.
Tatlong pagkakataon na ang naitatala ng mambabatas bilang insidente ng pangangamkam ng China sa Pilipinas, na kinabibilangan ng Mischief Reef, Scarborough Shoal, at ang pinakahuli na Julian Felipe Reef.
“Ang masama pa, sa halip na iisa ang tinig natin, tayo-tayo mismo nagbabangayan. Pinapanood lang tayo ng China at maaring pinapalakpakan pa,” ayon kay Lacson kasabay ng panawagan na dapat ay palakasin ng pamahalaan ang alyansa sa mga bansang may kakayahang tumulong para sa balance of power sa WPS at ang pagkakaisa ng mga lider laban sa ginagawa ng nabanggit bansa.
“I may sound like a broken record on the matter of seeking stronger alliances with the more militarily powerful countries like the US, Australia, even Japan and some European Union countries to maintain the balance of power in the West Philippine Sea, since given the situation, it is unthinkable for the Philippines to match China’s military presence within our Exclusive Economic Zone,” diin ni Lacson.
Aniya, dapat ay sa Pilipinas magmula ang inisyatiba ng hakbang laban sa China dahil nagpakita na rin ng kahandaang tumulong ang mga kaalyado.
“These countries have openly expressed their willingness to assist, but we cannot expect them to be more aggressive than us in this regard. It is our territorial integrity and sovereignty being assaulted, so we, not them who must take the initiative,” pahabol ng senador.
*****
One thought on “Ping: WPS, Ibang Mahahalagang Usapin ‘Nilulunod’ ng Away-Pulitika”
Comments are closed.