Bago manghuli ng mga pasaway, dapat ay masigurado muna ng mga awtoridad na lahat ng mamamayan, lalo ang mga walang pambili, ay mapagkalooban ng libreng face mask.
Ito ang ipinanawagan ni Senador Panfilo Lacson upang matiyak na lahat ay hindi magkakaroon ng dahilan para hindi magsuot ng face mask, maging ang mga mahihirap na ultimo pangkain ay pinoproblema kung saan hahagilapin.
“Before implementing the arrest order issued against Filipinos not wearing masks, it is but fair and just for the government to provide to those who don’t have the money to buy them,” banggit ni Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Related: Lacson: Give Poor Face Masks First Before Arresting Them
Before implementing the arrest order issued against Filipinos not wearing masks, it is but fair and just for the government to provide to those who don’t have the money to buy them.
— PING LACSON (@iampinglacson) May 12, 2021
Ang nabanggit na mensahe ay bilang reaksiyon sa naunang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapahuli sa mga pulis ang mga hindi nagsusuot ng face mask habang nasa labas ng kanilang mga tahanan.
“When the government is able to distribute reasonably enough masks, that’s the time it can enforce the rules against the individuals who now have face masks but do not wear them properly,” banggit ni Lacson.
*****
Tompak Yan Sen Lacson. Sir Kung ako mismo nauubusan NG Pera na dati may trabaho minsan. 5peso nalang naiwan minsan zero PA nga. Kaka hiya man banggitin piro wala akong magawa at kagulat gulat ang pangyayaring ito. Na possible mayron talaga wala NG pang bili kahit sampung piso lamang sinasabi ko na ako mismo zero budget. Dapat Kung walang facemash bibigyan siya second time na mahuli ulit siya problima na nya yon. Salamat sir.