Ipinaabot ni Senador Panfilo Lacson sa Estados Unidos ang kanyang maagang pasasalamat matapos na ibilang ang Pilipinas sa mga uunahing bigyan ng bakuna sa ilalim ng COVID vaccine-sharing strategy nito.
Tinukoy ng mambabatas bilang indikasyon ng pagkakaibigan ang pagkakalahok ng Estados Unidos sa Pilipinas sa mga mauunang pagkalooban ng bahagi ng unang 25 milyon na doses ng bakuna.
“Thank you. We won’t forget this gesture of friendship. Unless World Health Organization protocols are too strict on vaccine donations, it would be better if it’s done bilaterally instead of through COVAX. Our people need the vaccines ASAP,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Related: Lacson Thanks US for Prioritizing PH in Vaccine-Sharing
Thank you. We won’t forget this gesture of friendship. Unless WHO protocols are too strict on vaccine donations, it would be better if it’s done bilaterally instead of through COVAX. Our people need the vaccines ASAP.
— PING LACSON (@iampinglacson) June 4, 2021
Nanawagan din si Lacson sa pamahalaan sa lalo pang pagpapalakas ng kampanya sa pagbabakuna upang tumibay pa ang tiwala ng publiko na magpahanggang ngayon ay marami pa ring nagdududa at natatakot.
“Meanwhile, our government needs to continue enhancing our people’s trust in the vaccines, especially those who remain reluctant to get their jabs done. Our people should be convinced of the truth that getting inoculated can save their lives as well as those of their loved ones – and pay no mind to the disinformation and conspiracy theories,” dagdag ng mambabatas.
Bago rito ay isiniwalat ng Estados Unidos ang plano nitong inisyal na pamamahagi ng 25 milyong doses ng bakuna, kung saan pitong milyon ang mapupunta sa Asya na kinabibilangan ng Pilipinas, India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Papua New Guinea, Taiwan at ang Pacific Islands.
Una nang ipinunto ng senador na dapat ay maabot ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19 upang makapanumbalik sa dating sigla ang ekonomiya ng bansa pero ito ay magaganap lamang sa ilalim ng matatag na tiwala publiko sa bakuna at sa sapat na suplay nito.
“If we want to get our pre-pandemic normal back, we must attain herd immunity. And to do this, Filipinos must be vaccinated,” paalala ni Lacson.
*****