Hindi kandidatura ang pinakaimportanteng dapat na paghandaan ng isang nagnanais na mamuno sa bansa, dahil bago niya ito isipin ay kailangan munang mahanap niya ang solusyon sa mga mabibigat na problema ng responsibilidad na papasukin.
Ayon kay Lacson, ang tunay na mabigat na trabaho ay hindi sa kampanya kundi pagkatapos nito dahil haharapin ng bagong pinuno ang ga-higante na problema tulad ng pambansang utang, kawalan ng hanapbuhay at patuloy na katiwalian.
“It’s not about prestige or being part of history as being the President of the country. The more important thing is to ask yourself if you can solve the country’s problems. Ang importante: Kaya ba, at may solusyon ba?” banggit ng mambabagtas sa panayam ng DWIZ radio.
“There is also a need to seek the advice and ideas of economic experts and other experienced persons to find solutions – short-, middle- and long-term – to confront and address the problems aggravated by the pandemic,” he added.
Related: Lacson: Next Leader Should Prepare Solutions, Not Just Candidacy
Bukod sa kawalan ng trabaho, katiwalian at pambansang utang na umabot na sa P10.991 trilyon nitong Abril, inilista ni Lacson ang iba pang malalaking problema na dapat harapin ng susunod na pinuno: ang isyu sa West Philippine Sea, ang P9.6-trilyon seed money para sa pensyon ng military and other uniformed personnel (MUPs), at ang taunang badyet na hindi bababa sa P1 trilyon para sa Internal Revenue Allotment (IRA) dahil sa Supreme Court ruling sa Mandanas petition.
Nagkaroon din ng mababang koleksiyon ng buwis na kung saan ay nakakolekta lamang ang gobyerno ng P2.84 trilyon kasama na ang non-tax revenues na masyadong mababa kumpara sa P3.25 trilyon na target batay sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee noong 2019 para sa 2020 General Appropriations Act.
Ayon kay Lacson, dapat din maglaan ng ibayong pondo ang gobyerno para sa research and development (R&D) upang makatuklas ng sariling medisina at hindi na umasa sa mga galing sa ibayong dagat gaya ng nangyayari sa COVID-19. Taun-taon mula noong 2016 nasa 0.4 porsiyento lamang ng kabuuang badyet ang nailalaan sa R&D.
“Whoever will lead the country should take these into account along with solutions to other problems such as a debt that has ballooned to almost P11 trillion as of end-April, the elections in BARMM and joblessness. They should ask themselves: ‘Can I, in my personal and professional capacity, develop solutions to these problems?’ If yes, let’s share them through public service. If not, it may be better to keep quiet,” pahabol ng mambabatas.
*****
One thought on “Ping: Bukod sa Kandidatura, Susunod na Lider Dapat Solusyunan mga Problema ng Bansa”
Comments are closed.