Simple, Epektibong Tugon vs Pandemya Inilatag ni Ping

Pagtiyak ng pagbabakuna ng publiko laban sa pandemya, at pagkayod pa ng gobyerno para masiguradong sapat ang bakuna at wasto ang pagpapatupad ng vaccination program para matamo ang herd immunity.

Ito ang suhestyon ni Senador Panfilo Lacson para malampasan ng bayan ang pandemya at ang epekto nito sa kabuhayan ng mga Pilipino.

“The best way out of this pandemic is for our people to ‘get the jab done’ and our government to ‘get the job done,’” mensahe ni Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nitong Huwebes.

Related: Lacson Pushes Formula vs Pandemic: Get the Jab Done, Get the Job Done

Ayon sa senador, bukod sa ibayong hakbang na kailangang gawin ng gobyerno para hindi kapusin sa suplay ng bakuna ang Pilipinas, kailangan din itong tapatan ng publiko ng pagtitiwala sa bakuna bilang tamang proteksiyon laban sa pandemya.

Pinuna rin ni Lacson ang mabagal na paggalaw ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng vaccine passport program para sa kaluwagan sa lokal at paglalakbay sa ibayong dagat makaraang makarating sa kaalaman na ito ay plano pa lamang.

Plano pa lang? Late again,” tugon ng mambabatas sa hanggang ngayon ay plano ng Department of Health na magkaroon ng vaccine passport.

Una nang ipinanawagan ng mambabatas sa pamahalaan na ikonsidera at tratuhin nitong tulong ang pagkilos ng pribadong sektor para makabili ng bakuna at ilantad sa publiko ang mga transaksiyon na may kaugnayan sa paglalaan ng pondo ng pamahalaan kaugnayan sa pandemya lalo na ngayong kinakapos na ang kaban ng bayan.

Paalala ni Lacson, ang herd immunity ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagbabakuna at pag walang herd immunity ay mananatiling lugmok ang ekonomiya ng bansa na magpapalubha pa sa kakapusang dinaranas at idinadaing ng marami.

*****

One thought on “Simple, Epektibong Tugon vs Pandemya Inilatag ni Ping”

Comments are closed.