Ping: Vaccine Passport sa Kaluwagan ng mga Umuuwing OFW, Dayuhang Negosyante

Hindi na dapat pang maabala ang paggalaw ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW) at mga dayuhang mangangalakal na ganap nang bakunado sa mga bansang pinanggalingan kaya dapat na magkaroon ng vaccine passport.

Ito ang rekomendasyon ni Senador Panfilo Lacson matapos ang samu’t saring reklamo ng mga pumapasok sa bansa bunga ng napakahigpit pa ring protocol na ipinapatupad ng mga awtoridad kahit pa sa mga kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 sa mga bansang pinagmulan.

Ayon kay Lacson, dahil sa mga polisiyang ito ay nagdadalawang-isip na umuwi ang maraming OFW kahit pa napakahalaga ang pakay nila, bunga na rin ng matagal na pagkakatengga bago makarating sa patutunguhan batay sa umiiral na protocols.

“For our returning OFWs, at most, we might require them to take a swab test then allow them to go home, then require them to stay at home for 10 days. No need to require them to stay at a hotel. Most of the time, OFWs return to the country because of an emergency. But if you are an OFW and you are required to be quarantined for 10 days, how many days of your leave will go to waste? I don’t think that makes sense,” banggit ni Lacson sa panayam ng ANC.

Related: Lacson Pushes Vaccine Passport Prioritizing OFWs, Foreign Investors

Ganito rin aniya ang situwasyon ng mga dayuhang gustong maglagak ng puhunan sa bansa.

“Also, our tourism sector and investment will suffer. If a potential investor who would like to come here learns of the requirements that include a swab test and stay at a quarantine facility not of his or her choice, would he or she still come?” dagdag ni Lacson.

Dahil dito ay hinihikayat ng mambabatasang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na itono ng maayos ang mga pinaiiral na protocol batay sa mga bansang pinanggalingan upang hindi na maabala pa ang mga dumarating sa Pilipinas.

Bukod dito, iginigiit ng senador na dapat nang bigyan ng kalayaan ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ang ipatupad ang sistema laban sa COVID-19 batay sa situwasyong personal na nakikita at karanasan ng mga ito.

Kabilang sa mga binanggit ni Lacson ay ang pagbabakuna sa A4 sector kung saan, may mga situwasyong hindi umano pinapayagan na maturukan ang mga edad na nasa mahigit 39 taong gulang dahil ang limitasyon ay 40 anyos.

“Perhaps our regulations should be a bit open-ended instead of being too restrictive, to allow those on the ground to make decisions,” apela ng mambabatas.

Ipinunto din ni Lacson ang kahalagahan ng matinong cold storage facility upang hindi na madagdagan pa ang mga bakunang nasira makaraang magbago ang temperatura ng mga lugar na pinag-iimbakan ng mga ito.

“We are getting information that some vaccines are spoiled due to the mishandled cold chain facility. These are issues the appropriate authorities must address so we can accelerate our efforts toward herd immunity,” pahabol ni Lacson.

*****

2 thoughts on “Ping: Vaccine Passport sa Kaluwagan ng mga Umuuwing OFW, Dayuhang Negosyante”

Comments are closed.