Para sa maluwag na paggalaw ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW) at pagpanumbalik ng masiglang ekonomiya ng bansa.
Ito ang dalawang mahahalagang puntos na idiniin ni Senador Panfilo Lacson sa pagsuporta at pag-apela sa National Task Force Against COVID-19 na pabilisin ang pagpapatupad ng standard quarantine protocols sa mga Pinoy na nabakunahan na rito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ayon kay Lacson, hindi na makakapaghintay pa ang ekonomiya kaya’t ito ay dapat nang pabilisin sa pamamagitan ng mas pinagaang na sistema ng paggalaw ng mga ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19.
“Please make it sooner, not later. Mind the economy for a change,” panawagan ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Read in ENGLISH: Lacson: Fast-Track Standard Quarantine Protocols to Benefit OFWs, Economy
Please make it sooner, not later. Mind the economy for a change. https://t.co/6tauqSmYXc via @gmanews
— PING LACSON (@iampinglacson) June 19, 2021
Una rito ay lumabas sa balita na isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumabalangkas na ng sistema ang national task force, kung saan ang mga OFW na kumpirmadong kumpleto na ang bakuna ay itutulad na lamang sa mga ganap nang bakunado na nasa bansa lamang ang pag-quarantine.
Kamakailan lamang ay iminungkahi din ni Lacson ang pagkakaroon ng vaccine passport system upang maging madali ang biyahe sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan, OFW at balikbayan na nakakumpleto na ng bakuna sa mga bansang pinagmulan.
Nanawagan din ang mambabatas sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na mas pagbutihin pa ang umiiral na protocol at itugma ang mga ito sa ipinapatupad ng ibang bansa.
Sinuportahan din ni Lacson ang binabanggit ng Department of Health (DOH) na huwag nang isailalim sa swab testing ang mga umuuwing Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna sa ibayong dagat, bagama’t pinag-aaralan pa ito sa ngayon.
“Way to go! This is one sensible adjustment that our ‘kababayans’ abroad who miss their families here have been wanting to hear from DOH,” banggit ni Lacson.
Way to go! This is one sensible adjustment that our “kababayans” abroad who miss their families here have been wanting to hear from DOH. https://t.co/jGXBa3v13b via @gmanews
— PING LACSON (@iampinglacson) June 18, 2021
Kasabay nito ay isinulong din ng mambabatas ang mas makabuluhang paggamit ng pondo at ang “barebones” na badyet sa susunod na tatlong taon, matapos maiulat na nakikita ng Fitch Solutions ang posibleng pagbulusok ng halaga ng piso.
“This is where a ‘barebones’ national budget in the next three years, at least – makes a good study. Agencies habitually scramble to realign/spend their appropriations at the start of the 4th quarter, wasting people’s money,” ayon kay Lacson.
This is where a “barebones” national budget in the next three(3) years, at least – makes a good study. Agencies habitually scramble to realign/spend their appropriations at the start of the 4th quarter, wasting people’s money. https://t.co/YjuZQEoHue
— PING LACSON (@iampinglacson) June 19, 2021
“We can’t go on borrowing while wasting money on corruption and incompetence. ‘Barebones’ implies not sacrificing essentials including budget for economic recovery. It also includes fiscal discipline,” dagdag ni Lacson.
*****