Apela ni Ping sa IATF: Kaunting Kaluwagan sa mga OFW, Balikbayan

Sen. Ping Lacson at the Senate Committee of the Whole hearing on June 15, 2021

Umaapela si Senador Panfilo Lacson sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ng kahit na kaunting pagluluwag lamang sa pagpapatupad ng health protocols sa mga dumarating na balikbayan at overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay sa harap ng katotohanang kailangang gumastos nang malaki ang mga balikbayan sa pagsasailalim sa mga proseso, kasama ang pananatili ng ilang araw na “quarantine” sa mga hotel.

“Find the middle ground. We cannot be too stiff, too stringent. May occasion dapat na flexible tayo,” banggit ni Lacson sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Related: Lacson to IATF: Find ‘Middle Ground’ for Balikbayans, Returning Residents

Agad namang sinengundahan ni Senate President Vicente Sotto III ang panawagan ni Lacson.

Inihalimbawa ni Lacson ang dinanas ng isang empleyado na umuwi galing sa ibayong dagat ngayong taon at inatasang sumailalim sa quarantine sa isang hotel sa loob ng anim na gabi – at kailangang magbayad ng P10,000 kada gabi ng pananatili.

Sana ay mas naging kumportable ang empleyado kung sa mga bahay na lamang siya nag-isolation – hindi tulad ng nasa hotel kung saan inatasan ding manatili ang ibang balikbayan para mag-quarantine, ayon sa mambabatas.

“You can just imagine what an ordinary employee returning to the Philippines has to go through. More than the inconvenience, he or she has to spend for hotel accommodations, swab tests, and related items,” banggit pa ni Lacson patungkol sa balikbayan.

Inihalimbawa naman ni Lacson ang pagluluwag na ginawa ng lokal na pamahalaan ng Cebu sa mga residenteng umuuwi roon. Aniya, nagpatupad ito ng sariling sistema sa pagsusuri at pag-quarantine, kabilang na ang agarang pagpapauwi sa mga ito as oras na lumabas ang negatibong resulta.

Malaking halaga aniya ang natitipid ng mga umuuwi sa ilalim ng sistemang ito bukod pa sa kumportableng pakiramdam dahil agad na nakakadiretso sa mga patutunguhan.

Binanggit naman ni Sotto ang maayos na sistemang ipinapatupad sa Estados Unidos na agad na pinapapasok ang dumarating na ganap nang bakunado at tatanungin kung gustong magpabakuna ang mga hindi pa nakakapagturok.

Ipinunto din ng lider ng Senado na kahit pa sinasagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa quarantine ng mga OFW, maaaring pondo pa rin mula sa kontribusyon ng mga ito ang ginagamit ng ahensiya para rito.

*****

3 thoughts on “Apela ni Ping sa IATF: Kaunting Kaluwagan sa mga OFW, Balikbayan”

  1. Paano Po kmi nag stop over lng dto sa Dubai may 26 pa kmi dto d kmi mka uwi sa pnas dahil sa restriction Ng IATF fully vaccinated kmi sa pinangalingan nmin US base sa Afghanistan . Kahit po sagot Ng company tirahan nmin gusto pu nmin mka uwi na sa Pamilya nmin, dumadaan kmi sa procceso Ng mga airport bgo fligth parang mind torture para samin Ang extend Ng extend Ng ban sa uae .

Comments are closed.