Ping sa Pagtakbo bilang Presidente: Paano Manalo? At Paano Kung Manalo?

Ang mabibigat na tanong na ito ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson sa mga nagbabalak tumakbo sa pampanguluhang halalan sa 2022.

Hindi matatawaran ang bigat ng problema na patuloy na binubuno ng mga Pinoy kabilang na ang kalagayan ng Bulkang Taal, bukod pa sa mga nauna at hanggang ngayon ay mga problema tulad ng mga epekto ng pandemya, ayon kay Lacson.

“On the one hand, you have to make sure you are in the conversation and be in a position to win in the first place. But more importantly, you have to get a firm grasp of the problems besetting the country because what if you win, and you’re unprepared to face the problems? These are two equally important questions you have to ask yourself,” banggit ni Lacson sa panayam ng DZRH radio.

Read in ENGLISH: Lacson Poses 2 Critical Questions for Serious Job of Leading 110M Filipinos

Ang mga ito rin aniya ang dahilan ng patuloy na pakikipagkonsultasyon niya at ni Senate President Vicente Sotto III sa mga eksperto mula sa iba’t ibang sektor bago magpasya kung sasabak sa eleksyon sa susunod na taon.

Sa panayam naman ng TeleRadyo, ipinaliwanag ng mambabatas na napakaseryosong usapin ang pamumuno sa 110 milyong Pinoy kaya hindi aniya dapat idaan sa biro, gaya ng binanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte na maglalagay ng takip sa bunganga ng Bulkang Taal sa kabila ng pagpapalikas sa mga nakatira sa paligid nito.

“It is no time to crack jokes, especially at a time evacuation preparations are ongoing in nearby areas like Batangas and Cavite. The situation is no joke for residents especially those who had to evacuate last year. For a leader of a country to make fun of a deadly crater, it’s not funny at all,” ayon kay Lacson.

“Just to make light of the situation there, that is not proper especially since lives are at stake,” dagdag niya.

Bago pa man mag-alburuto ang Taal, binanggit na ni Lacson ang ibang mabibigat na problema ng bansa gaya ng patuloy na paglobo ng utang ng pamahalaan, lugmok na ekonomiya, pagkalat ng droga at korapsyon at marami pang iba.

*****

One thought on “Ping sa Pagtakbo bilang Presidente: Paano Manalo? At Paano Kung Manalo?”

Comments are closed.