Kinuwestyon ni Senador Panfilo Lacson nitong Biyernes ang panukala ng Department of National Defense (DND) na ilipat ang P35 bilyon mula sa regular budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) papunta sa Special Purpose Fund (SPF).
Ayon kay Lacson, ang pondong ililipat sa SPF ay magiging “lump sum” na maaaari lamang i-release kapag inaprubahan ng Pangulo.
“You are proposing that P35 billion be transferred from the regular budget to the SPF. Why is that? The SPF is used to augment the regular budget and is released only upon approval of the President. Bakit inaalis nyo sa regular budget?” tanong ni Lacson kay DND Secretary Delfin Lorenzana sa pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng DND para sa 2022.
Related: Lacson Questions Proposed Transfer of P35B in AFP Modernization Fund to SPF