Nanawagan din siya para sa isang komprehensibong development plan kung saan kasama ang mga kongkretong proyekto para mapaganda ang buhay at masiguro ang pagdadala ng serbisyo publiko sa lugar.
“Resolved further, that in pursuit of sending a stronger message of assertion that Pag-Asa Island is ours, a comprehensive Development Plan must be crafted laying-out concrete projects, programs and activities aimed at improving the quality of life and efficient delivery of public services therein,” aniya.
Sa kanyang resolusyon, ibinahagi ni Lacson na ang Pag-asa Island, na bagama’t isang munisipalidad sa Palawan na binigyang bisa ng Presidential Decree 1596 noong June 11, 1978 – ay napaliligiran ng Chinese maritime vessels sa kabila ng ating paulit ulit na diplomatic protests.
Babala rin ni Lacson na kung magpapatuloy ang ganitong gawain ng China, “they may constitute clear and present danger not only to our national interest and territorial integrity but also to the peace and stability of the entire Asia Pacific Region.”
Ani Lacson, noong 1995 ay inangkin din ng China ang Panganiban (Mischief) Reef at ginawa nila itong 550-hectare air and naval outpost na maaaring mag deploy ng military assets at magsagawa ng surveillance sa West Philippine Sea.
Noong 2012, binalewala ng China ang kasunduan para matigil na sana ang gusot sa Panatag Shoal sa pamamagitan ng hindi pag-alis sa lugar. Sa halip ay nagpatayo sila ng mga harang para hindi magkaroon ng access dito ang Pilipinas. Hindi rin tinatanggap ng China ang pagkapanalo ng ating bansa sa arbitral tribunal noong 2016 at patuloy na inookupa at kinukuha ang ating resources sa lugar.
Ang malala pa rito, tatlong Chinese Coast Guard vessels ang humarang at nagpaputok ng water cannon sa dalawang supply boats ng Pilipinas papunta sa Ayungin shoal na pasok sa ating 200-nautical-nile exclusive economic zone (EEZ), noong Nob. 16.
Dahil dito, naglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-China Special Summit na kinukundena ang nangyaring insidente at nanawagan sa China na magsagawa ng self-restraint sa teritoryo ng Pilipinas.
Kinundena rin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang insidente habang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang karapatan ang China na harangin, pigilan o takutin ang ating mga barko sa pagpasok sa ating EEZ.
Nitong Nov. 20, nasaksihan mismo ni Lacson ang pambu-bully ng China habang patungo sa Pag-asa Island nang mag-isyu ang China ng radio challenge sa mga piloto ng eroplano na kanilang sinasakyan. Pagkalapag nina Lacson sa lugar ay nakatanggap sila ng text message na nagsasabing “Welcome to China!”
Sa kanyang panawagan para magkaroon ng balance of power sa rehiyon at sa pagkakaroon ng development program sa isla, binigyang diin ni Lacson ang importansya na masiguro ang freedom of navigation at malayang kalakalan sa West Philippine Sea.
“Considering the importance of the West Philippine Sea in ensuring freedom of navigation, unhampered international trade and commerce in the Asia Pacific Region and the vital role it plays in the security and safety of the region, there is a need to uphold a rules based maritime order in the area to maintain the balance of power and stability therein,” ani Lacson.
*****