Ping: Disiplina, Bodycam Ang Tatapos sa EJK at Pang-Aabuso

Isang polisiya na may disiplina, kaakibat ng paggamit ng body camera, ang sagot ng administrasyong Lacson sa pagtigil sa extra-judicial killings at mga maling gawain ng ilan sa mga abusadong pulis.

“One word – Discipline. Disiplinahin natin ang uniformed services. Nagsisimula ang abuso kung nawala ang disiplina sa PNP, AFP and uniformed services,” ani Senador Ping Lacson nitong Huwebes sa lingguhang LACSON-SOTTO Meet the Press media forum.

Related: Lacson: Policy of Discipline, Bodycams to End ‘EJKs’ and Other Abuses

Aniya, naging epektibo ang polisiyang ito noong naibalik niya ang tiwala ng publiko sa PNP sa kanyang pamumuno mula 1999 hanggang 2001 sa pamamagitan ng “leadership by example.”

Dagdag pa ni Lacson, ang paggamit ng body camera ng mga pulis ang instrumento para magkaroon sila ng pananagutan sa kanilang mha operasyon.

“On the spot makikita kung may violation o wala. Para rin sa protection ng pulis yan,” paliwanag ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na hindi niya hahayaan ang mga abusadong pulus na magmanipula ng ebidensya. Kailangan aniya na mapanatili ang tiwala ng mga tao lalo na sa malalayong probinsya sa bansa kung saan tumatayong kinatawan ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas ang kapulisan.

“Knowing their mentality… I would know how to address the issue of manipulating evidence. Hindi natin papayagan yan,” sabi ni Lacson.

*****