Ping: Safety Nets Kailangan vs Epekto ng Posibleng Pagsakop ng Russia sa Ukraine

Kailangang maghanda ng safety nets ang ating gobyerno para maprotektahan ang mga kababayan natin na maapektuhan ng posibleng epekto sa ekonomiya ng nagbabantang pagsakop ng Russia sa Ukraine, ayon kay Senador Ping Lacson.

Para kay Lacson na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, bagamat malayo ang Pilipinas sa Ukraine, posibleng magkaroon pa rin ng epekto ang naturang insidente sa buong mundo.

“We might think that Ukraine is far away, and that there is no danger for the Philippines.  We are all living in a global village.  An invasion of Ukraine may adversely affect the stock markets all over the world. Prices of basic commodities and fuel may increase. We need to be prepared for this, not to mention that we are still suffering from the pandemic and are far from economic recovery,” ani Lacson.

Related: Lacson Calls for Economic Safety Nets from Potential Russian Invasion of Ukraine

“We hope that there are contingency plans for increases in prices, disruptions in supply chains and possible repatriation of Filipinos not just in Ukraine but in neighboring countries,” dagdag ng senador.

Base sa mga inisyal na ulat, nagpalabas na ng warning ang Estados Unidos hinggil sa posibleng pagsalakay ng Russia sa Ukraine sa mga nalalapit na araw.

Samantala, nanawagan din si Lacson sa gobyerno na magsimula nang gumawa ng mga preparasyon para sa proteksyon ng mga Pinoy sa Ukraine. Kamakailan ay inatasan na ng Estados Unidos, United Kingdom at ibang bansa ang kanilang mga citizen na umalis na ng Ukraine sa loob ng 48 oras.

Base sa datos ng Department of Foreign Affairs, halos 380 Pinoy ang kasalukuyang nasa Ukraine.

“I would like to know what preparations are being made for them in the event that war breaks out,” aniya. “What is happening in Ukraine may create instability in other potential flashpoints in the world including that of our Region.”

*****