“Hindi ko iniisip yan.”
Pinabulaanan ni Senate President Tito Sotto nitong Sabado ang “projected tandem” niya kay presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.
Iginiit ni Sotto na nakatutok siya sa pangangampanya sa kanyang ka-tandem at presidential aspirant, Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson.
Related: Sotto Dismisses Projected Tandem with Other Bets: No Other President for Me But Lacson
“I have not given it a thought. In my sphere we are working on the presidency of Sen. Ping Lacson,” ani Sotto sa CNN Philippines Vice Presidential Debates, nang tinanong siya tungkol sa posibilidad na siya ay manalo at si Marcos ang mahalal naman bilang Pangulo sa Mayo 9.
Sinabi rin ni Sotto na sakaling mahalal sila ni Lacson, gagamitin nila ang kanilang walong dekada sa serbisyo publiko para harapin ang mga samu’t saring problema sa bansa.
“After 30 years I think handa ako dito. So ganoon ang aking thinking…wala akong iniisip na kung iba ang mananalo at this point,” ani Sotto.
Dagdag pa ni Sotto, kapag nahalal sila ni Lacson bilang susunod na lider ng bansa, ibabahagi nila ang kanilang Katapatan, Kakayahan at Katapangan sa taumbayan. “With these, I believe we will lead by example,” saad ni Sotto.
Sa kabilang banda, pinabulaanan din ni Lacson ang mga ispekulasyon ng posibleng tandem niya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio – at iginiit na si Sotto ang kanyang pipiliing makasama sa kampanya hanggang dulo.
Nananatili aniya ang kanilang pangangampanya para sa pagsasaayos ng gobyerno at buhay ng bawat Pilipino. (Aayusin ang Gobyerno, Aayusin Ang Buhay ng Bawat Pilipino). Isinusulong din ng tandem ang kanilang kampanya laban sa mga magnanakaw, at tiwali sa gobyerno.
*****