Sa kabila ng kanyang pag-alay ng buhay sa serbisyo publiko sa loob ng mahigit limang dekada, sinabi ni Senador Ping Lacson na handa siyang ialay muli sa bayan ang kanyang buhay at karanasan – bilang susunod na lider ng bansa.
Sinabi ni Lacson nitong Sabado ng gabi na ang kanyang kwalipikasyon, katapangan at karanasan ay sapat para mapamunuan nang maayos ang sambayanang Pilipino.
“Mula sa pagiging sundalo at alagad ng batas na lumaban sa terorismo, rebeldeng komunista at pusakal na kriminal; bilang Chief PNP na nagpatino at naglinis ng hanay ng kapulisan; bilang Senador na kailanman hindi nabahiran ng korapsyon, nais ko pong ipagpatuloy na magsilbi sa ating bayan,” ani Lacson sa kanyang closing statement sa kauna-unahang presidential debate ng Comelec.
Related: Lacson Prepared to Put Life on the Line Anew for Filipinos