Closing Statement of Sen. Ping Lacson at the Comelec Presidential Debate

With the rigors and influence of money politics in this campaign, and the opportunism and treachery that go with it, I keep asking this question: Is the Filipino still worth fighting for?

Each time, I always get the same answer: Yes, the Filipino is worth fighting for.

Mahal ko ang aking bayan. Handa kong ipagtanggol laban sa mga dayuhang mananakop at sa mga may kapangyarihan na nagsasamantala sa mga kapos-palad nating mga kababayan.

Palagi naming naririnig – sayang daw ang boto sa mas kwalipikado dahil baka hindi lang manalo. Ang totoong sayang na boto ay para sa hindi karapat-dapat manalo at sa mga magnanakaw na dapat walang karapatang maluklok sa pwesto.

Maawa na po tayo sa ating mga kababayang Pilipino.

*****

At the Second Comelec Presidential Debate

This slideshow requires JavaScript.

Sen. Ping Lacson took part in the Comelec Presidential Debate on April 3, 2022.

Ping, Handang Ialay Muli ang Buhay para sa Sambayanang Pilipino

Sa kabila ng kanyang pag-alay ng buhay sa serbisyo publiko sa loob ng mahigit limang dekada, sinabi ni Senador Ping Lacson na handa siyang ialay muli sa bayan ang kanyang buhay at karanasan – bilang susunod na lider ng bansa.

Sinabi ni Lacson nitong Sabado ng gabi na ang kanyang kwalipikasyon, katapangan at karanasan ay sapat para mapamunuan nang maayos ang sambayanang Pilipino.

“Mula sa pagiging sundalo at alagad ng batas na lumaban sa terorismo, rebeldeng komunista at pusakal na kriminal; bilang Chief PNP na nagpatino at naglinis ng hanay ng kapulisan; bilang Senador na kailanman hindi nabahiran ng korapsyon, nais ko pong ipagpatuloy na magsilbi sa ating bayan,” ani Lacson sa kanyang closing statement sa kauna-unahang presidential debate ng Comelec.

Related: Lacson Prepared to Put Life on the Line Anew for Filipinos
Continue reading “Ping, Handang Ialay Muli ang Buhay para sa Sambayanang Pilipino”

Lacson Prepared to Put Life on the Line Anew for Filipinos

After risking his life for Filipinos in his 50-plus years in public service, Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson is prepared to once again put his life on the line for the Filipino people – this time, as the leader the nation badly needs.

Lacson said Saturday evening that he is offering his competence, qualification and experience – the traits a leader needs – to fight for the Filipino people.

“Mula sa pagiging sundalo at alagad ng batas na lumaban sa terorismo, rebeldeng komunista at pusakal na kriminal; bilang Chief PNP na nagpatino at naglinis ng hanay ng kapulisan; bilang Senador na kailanman hindi nabahiran ng korapsyon, nais ko pong ipagpatuloy na magsilbi sa ating bayan (From a soldier and law enforcer who has fought terrorists, communist rebels and criminals; as a Philippine National Police chief who cleansed the police force of rogues; and as a Senator who never allowed corruption to taint him, I wish to continue giving my brand of service to our nation),” he said in his closing statement at the Commission on Elections’ First Presidential Debate.

Related: Ping, Handang Ialay Muli ang Buhay para sa Sambayanang Pilipino
Continue reading “Lacson Prepared to Put Life on the Line Anew for Filipinos”

Virology Institute, Pagtulong sa MSMEs Magiging Prayoridad ni Ping

Ang pagpapatayo ng Philippine Virology Science and Technology Institute ang isa sa mga gagawin ng administrasyon ni Senador Ping Lacson sakaling siya ang mahalal bilang Pangulo sa Mayo.

Sinabi ni Lacson na ito ang magiging sentro ng research and development na magiging depensa ng ating bansa laban sa Covid at sa mga posibleng mutations nito.

“Ipu-pursue ko ito dahil ito ang magliligtas sa atin. Hindi na tayo mag-import. Lalakasan natin ang research and development sa pamamagitan ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines,” ani Lacson na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, sa naganap na kauna-unahang presidential debate ng Comelec.

Related: Lacson Presidency to Pursue Virology Institute vs Covid Mutations, Prioritize MSMEs in Recovery
Continue reading “Virology Institute, Pagtulong sa MSMEs Magiging Prayoridad ni Ping”