“Even as a plain citizen you can conduct arrests and call for the assistance of the authorities, ang pwede mag-file ng kaso, etc.,” dagdag pa ng senador.
Aniya, pinatupad niya ang ganitong paraan sa kanyang pagsugpo sa ilegal na droga at carnapping nang kanyang pinamunuan ang
Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001.
Kasama dapat aniya sa stratehiyang ito ang supply reduction kung saan dapat na kinukumpiska ng otoridad ang smuggled na gulay bago pa ito makarating sa merkado.
“Kung two-pronged strategy ia-apply natin palagay ko di mag proliferate ang smuggled vegetables,” paliwanag ng senador.
Hinamon naman ni Lacson ang DA at Bureau of Customs na humanap ng paraan para masugpo ang agricultural smuggling na nagpapatuloy pa rin sa kabila ng mahigpit na rekisito para sa importers.
Napag-alaman din ng senador na ang mga nasasama sa blacklist na importers ay pinapalitan lamang ang kanilang pangalan at nabibigyan pa rin ng accreditation.
“Ang hirap kunin ang requirements pero ang dali sa mga smugglers na lumusot,” saad ni Lacson.
Dahil aniya sa smuggling, kawawa ang mga lokal nating magsasaka dahil karamihan sa kanilang mga benta ay ipinapahingi na lamang.
“From BOC and DA, kindly convince us na walang milagrong nangyayari bakit may smuggled vegetables, meat and meat products. Kindly explain. Decades na, wala pa tayong solution. In the meantime our vegetable planters and hog raisers nagsa-suffer for decades and we allow that,” dagdag pa ng senador.
Siniguro naman ni Lacson na hindi siya hihinto sa pagsisiyasat sa isyung ito hanggang hindi nakakapagbigay ng sapat na paliwanag ang BOC at DA. “Pag walang nangyayari, may kompromiso. Simple as that. So kindly look into that,” ani Lacson.
*****