Ping, Pinagsabihan ang NICA na Pabilisin ang Pagproseso ng Intel vs Agri Smugglers, Kasabwat sa Gobyerno

Nakadepende rito ang seguridad natin sa pagkain.

Pinagsabihan ni Senador Ping Lacson ang National Intelligence Coordinating Agency nitong Martes na pabilisin ang pagpoproseso ng impormasyon hinggil sa agricultural smugglers at mga kasabwat nito sa gobyerno.

Para kay Lacson, hanggang hindi napapangalanan ang mga ito at nasasampahan ng kaso, patuloy lang nila na sasamantalahin ang sistema at magtatago sandali habang mainit sila sa mata ng Senado.

Related: Lacson Exhorts NICA: Speed Up Processing of Intel Info vs Agri Smugglers, Protectors

“Pakibilisan ang processing ng intelligence para ma-file-an ng kaso ang dapat ma-file… Dapat may urgency nang kaunti,” saad ng senador sa Senate Committee of the Whole hearing hinggil sa agricultural smuggling. Ayon sa independent presidential aspirant, kasing-importante rin ng food security ang economic security.

“After the hearing, nakakalimutan natin ang lahat? We talk again of the next hearing but we lack in implementation and execution. Walang follow-through, that’s the problem,” dagdag ng senador.

Sinang-ayunan naman ni Lacson ang pahayag ni Agot Balanoy, public relations officer ng isang grupo ng magsasaka sa Benguet kung saan ang dami ng smuggled na gulay ay siguradong bababa matapos ng pagdinig sa Senado ngunit kalaunan ay babalik ulit ito sa dati matapos ang ilang linggo.

“Sabi nga ni Ms. Agot, pagkatapos ng hearing matumal ang smuggled vegetables sa merkado. After two to three weeks nadiyan na naman. Nandiyan sa frozen vegetables. Tiyak mawawala uli bukas but for how long?” tanong ni Lacson.

*****