Mga Munisipalidad, Mas Madali Na Maging Siyudad Dahil sa Bagong Batas ni Ping

Mas mapapadali na para sa mga mauunlad na munisipalidad ang magpa-convert bilang siyudad, dahil sa isang panukalang batas na inihain ni Senador Ping Lacson.

Naging basehan ng Republic Act 11683 ang Senate Bill 255 na inihain ni Lacson noong July 2019, at ang counterpart measure nito na House Bill 8207.

“By opening the doors to cityhood for qualified municipalities, the new law allows the local governments to fully operationalize their functions. As such, we address the inequity in national resources, we provide a greater number of our people the effectual impact of being a city – better delivery of public services and a fair share of our progress,” ani Lacson, na matagal nang adhikain ang palakasin ang local government units sa buong bansa.

Related: Lacson Bill Easing Requirements for Cityhood Becomes Law

“Some municipalities despite their small land area or population have shown they can provide essential government facilities and social services to their inhabitants that are comparable and even above par with existing cities,” dagdag pa ng senador at kasalukuyang presidential aspirant.

Inaamyendahan ng bagong batas na ito ang Section 450 ng RA 7160 o ng Local Government Code of 1991. Dito ay mas madali maging siyudad ang isang munisipalidad na kumikita ng P100 milyon o pataas sa loob ng dalawang magkasunod na taon dahil “exempted” ito sa rekisito patungkol sa laki ng lupa at populasyon.

Para kay Lacson, hindi patas ang nasabing kondisyon noon para sa mga residente kung kumikita naman nang malaki ang kanilang munisipalidad ngunit hindi ito magiging kwalipikado para maging siyudad dahil lamang kaunti ang bilang ng kanilang populasyon o mas maliit ang lupa na kanilang nasasakupan.

*****