Ping, Ramdam ang Init ng Suporta sa Dumaguete, Bais Sa Kabila ng Umano’y ‘Zero’ Support sa Visayas

Tila kabaligtaran ng resulta ng isang survey firm ang ipinakitang mainit na suporta kay Senador Ping Lacson nang siya ay bumisita sa Negros Oriental nitong Miyerkules.

Matatandaan na base sa resulta ng survey kamakailan ay sinasabi na zero o walang suporta ang mga taga-Visayas sa kandidatura ng independent presidential aspirant.

Sinalubong si Lacson sa Dumaguete City ni Elsie Lee at ang kanyang pamilya. Ang anak ni Mrs. Lee na si Emmanuel ay na-kidnap noon at si Lacson ang nanguna sa pagligtas sa kanilang anak mula sa kidnappers.

Related: What ‘Zero in Visayas’ Projection? Lacson Gets Warm Welcome in Dumaguete, Bais

Mainit ang naging pagtanggap kay Lacson at senatoriable Emmanuel Piñol nang tumungo sila sa Lee Plaza bago ang kanyang courtesy call kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo.

Marami rin ang dumalong residente sa town hall meeting na kanilang isinagawa sa lugar.

“It didn’t look zero to me,” saad ni Lacson said sa naganap na press conference matapos ang nasabing town hall meeting sa Dumaguete.

Sa Bais City naman, pinatunayan ng dami ng tao na sumalubong kina Lacson na hindi totoo ang “zero votes” na projection ng survey firm.

Nakakuha rin sila ng endorsement mula kay City Mayor Mercedes Teves-Goñi at sa kanyang anak na si Luigi na kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde.

Nang tinanong ni Lacson ang mga dumalo sa rally kung posibleng niya makuha ang kanilang boto sa nalalapit na halalan, isang malakas na “yes” ang sagot na nanaig sa buong amphitheater.

“Ngayon masaya na po ako, hindi ako maze-zero sa Visayas,” masayang sambit ni Lacson.

Bago ang naturang sortie, ibinahagi rin ni Lacson at ng kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na marami silang natatanggap na mensahe ng pagsuporta mula sa mga residente ng iba’t-ibang lugar sa Visayas kabilang na ang including in Eastern, Central and Western Visayas.

Nitong Martes, ipinagkibit-balikat na lamang ni Lacson ang lumabas na resulta ng Pulse Asia na nagsasabi na 2% lamang ang kanyang nakuha na suporta at zero sa Visayas at Mindanao. Sinabi ng independent presidential aspirant na mas minabuti niyang maghintay na lamang sa resulta ng eleksyon sa May 9.

Muli namang nanawagan si Lacson sa kanyang supporters na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa darating na halalan sa Lunes.

*****