Lacson, May Solusyon sa Tumataas na Presyo ng Gasolina

Kondisyunal na pagsuspinde sa excise tax ng gasolina, at ang pagtanggal sa napakaraming Value-Added Tax (VAT) exemptions.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” M. Lacson, ito ang dalawang magkaakibat na solusyon na magbibigay ng hinga sa mga Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

“We can conditionally suspend excise taxes on fuel when oil prices reach a threshold price in the international market such as $90 or even $100 per barrel. This could provide some breathing space not just for the transport sector but those affected by high fuel prices,” ayon kay Lacson sa isang panayam Linggo ng gabi.

Related: Lacson Pushes 2-Pronged Formula for ‘Breathing Room’ Amid Soaring Fuel Prices

Sa isang banda, marapat na tanggalin na ng gobyerno ang napakaraming lines of exemptions sa VAT – sa katunayan, natatangi ang bansang Pilipinas sa buong Timog-Silangang Asya na may higit 100 exemptions.

“We could have earned at least P117 billion in additional tax revenues in 2018 alone, even with a reduced VAT rate from 12% to 10%, by removing 78 lines of exemption from some sectors such as the power sector, cooperatives, housing, and economic zones,” aniya.

Pahayag din ni Lacson na higit na mas mabuti ito kaysa sa mga panukalang magbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at middle-income households – sa ganitong panukla maaari rin masaid ang national budget.

Ipinaliwanag ni Lacson na malaking bulto ng pambansang pondo ay napupunta sa mga programang pang ayuda sa mamamayan tulad ng 4Ps at mga subsidiyang pang agrikultura at micro-small and medium enterprises (MSME).

“Baka hindi kayanin ng budget,” ani Lacson.

*****

One thought on “Lacson, May Solusyon sa Tumataas na Presyo ng Gasolina”

Comments are closed.