Ping: Evolving Pork, Senate Coup Rumor, House’s Chacha

In an interview on Radyo5, Ping Lacson answered questions on:
* evolving pork barrel and insertions in the budget
* Senate coup rumor
* House’s version of economic Chacha (RBH-7)

QUOTES and NOTES:

* EVOLVING PORK BARREL:

Budget Insertions at the Bicameral Conference Committee Level:

“Wala naman sa rules at wala rin sa batas na di pwedeng baguhin ang disagreeing provisions ng both houses. Ang general na susundin natin, disagreeing provisions lang ang ire-reconcile. Pero naging kalakaran maski wala sa HOR or Senate version nasisingit pa ang ibang versions outside of the versions of both houses. In the course of time, accept na yan. Ang parang sinusunod dito, may mutual trust ang 2 houses na paguusapan lang ang di napagkasunduan sa version natin. So naging kalakaran na yan. Matagal nang ginagawa yan.”

“Kung may mag-question sa practice na yan at ang SC maglalabas ng ruling na magasasabing di pwede yan, magiging illegal yan. Dahil wala namang controversy na formal na ihinain, dinulog sa SC, e hindi natin masasabing illegal kasi walang interpretation.”

“Maling mali talaga. Unang una, ang BCC ng budget, nag-iisang panukalang batas ito na ang BCC ay hindi open sa publiko. Napaka-exclusive, sinasarhan ang pinto, pinapalabas ang ‘unauthorized’ persons. Yan ang masama.”

So wala, nag-evolve na. Sumama na ng sumama ng sumama. Saan tayo pupulutin nito at the end of the day?”

‘Bad Faith’ in P26.7B for AKAP?

Nag-ugat itong P26.7B kasi hindi namalayan ng senador. Pag-resume ng suspended BCC, halos pirmahan na lang. Yari na nakakamada ang pagkakasunduan ng 2 representatives ng BCC at halos pirmahan. Wala ka na ring time para busisiin. Kasi parang pag ikaw naabala sa oras, kapag binasa mo pa isa-isa di mo talaga kaya basahin kung di mo dadalhin ang homework ang draft ng final version. Kasi nandoon ka lang sa conference room at ikaw ang nakaabala may naghahatid para pirmahan, e para basahin mo pa yan, kontrabida mo. So ang nangyari kanya kanyang pirmahan. Kaya nagulat sina Sen Imee di nila alam nakapirma na pala sila. Yan ang pinwersa sa kanila ng HOR, sabi mo di mo alam nakapirma ka rito na may AKAP na item.

“Kaya napakaimportante na may mutual trust, kailangan may good faith.

Gusto kong bigyan ng benefit of the doubt si Sen (Sonny) Angara na napalusutan din siya. Na hindi siya kasama sa usapan ng HOR appro committee chair na ito may nakalagak para sa AKAP. Pero ang basic muna. AKAP, sa kapos ang kita. E lahat halos na Pilipino kapos ang kita. Walang worker na Pilipino na hindi kapos ang kita. May kasabihan, there’s no such thing as enough money, there’s only too little and too much. Kung tutuusin napakaraming Pilipino ang dapat magbenepisyo sa P26.7B. Ang tanong, kailangan pa ba yan e meron na tayong AICS, meron na tayong TUPAD, may bago pang Medical Assistance, tapos meron pang 4Ps. Napakalaki ng ginugugol natin, di naman masama magbigay ng pondo para sa social services. Part yan ng budget bukod sa infrastructure, personal services, social services. Kaya lang mag-create ka ngayon sneaky ang pagka-create.”

Kasi ang natanggap kong info, siningit ito para di masyadong makita after Quick Response Fund, nagkaroon ng AKAP under budget ng DSWD. At base sa napagalam natin na hindi rin alam ng ahensya. Hindi nag-request ang DSWD na magkaroon ng AKAP. Nangyari rin tinanong namin ang DILG kasi sa P75B sa ALGU, assistance to LGUs. Nang tinanong namin si Sec Ano, alam nyo ba ito? Ang sagot hindi sila nakonsulta, wala silang kamalay malay. So ang nakakaalam sa pagsingit ilang member ng HOR.”

Ang AKAP, hindi lahat ng congressmen alam nila ito. Kakaunti lang sa Congress nakakaalam na may AKAP. Doon tayo mapapaisip kasi alam natin sino lang ang nakakakaalam na may item na ganoon ang pwedeng mag-access. Kasi kung di mo alam na may AKAP na item paano mo ia-access yan e bulag ka. So saan gagamitin ang P26.7B? Kaya nagkaroon ng usap-usapan sa pagpatuloy ng signature campaign ng PI, doon gagastusin ang P26.7B. Di ko sinasabing yan ang Gospel truth o talagang katotohanan. Pero yan naging suspetsa ng ilang senador kasi nga bakit di nila alam.”

DPWH’s P176B Budget Insertion and Pork Barrel Evolution:

“Papaano ma-implement kung walang program of work? Ibig sabihin may paggagamitan na iba. O kaya ito tinatawag nating post-legislation implementation. Ibig sabihin balik na naman tayo sa pork barrel, ibang anyo. Maski lagyan mo ng lipstick o makeup ang baboy, anong itsura noon? Di ba baboy pa rin?

“Kung di alam ng DPWH at walang program of work, lump sum yan. Ang mag-identify niyan mambabatas. Babalik tayo sa prior to November 2013 na dineklarang unconstitutional ang pork barrel. Balik na naman tayo sa pork barrel.”

Inaabuso kasi pinapalusot sa implementation saka sasabihan. Laging palusot nila di namin hawak ang pera. Maski pork barrel noong araw ang pera sa ahensya. Totoo naman yan. Pero sino nag-identify ng project at sino nag-implement? Halos ang nag-implement, hindi ang ahensya, na maliwanag sa Constitution base sa separation of powers, napakaliwanag sa budgeting process, napakaliwanag. Nagsisimula ang budget process sa budget preparation sa executive branch. Isa-submit ng pangulo within 30 days after opening ng Kongreso para sa budget authorization. Babalik ito sa exe branch para sa budget execution. Tapos papasok ang 4th phase sa budget cycle na budget accountability. Itong budgeting process natin sa PH, continuing cycle na overlapping. Habang ang Kongreso nagde-deliberate sa budget authorization phase ng cycle, gumagana na uli ang budget preparation. As early as January ng present year, may tinatawag na budget call. At kung pagaaralan natin ang budget cycle, napaka-intricate at napaka-thorough. Kung masusunod lang sana yan, napakaganda. Kasi after budget call kung saan initial lang ito, magkakaroon ng citizens’ engagement na tinatawag. Ibig sabihin sa locality, nakikipag-consult sa LGUs, NGOs, anong proyekto sa ating siyudad at bayan-bayan, sa probinsya. Tapos tatawid ito sa Regional Devt Council, RDC. Tapos tuloy-tuloy na ang mga ahensya mag-consolidate mag-converge ang ahensya na ngayon dudulog sa DBCC. Magpapatawag ang DBCC ng conference, isa-submit ang recommendation ng ahensya DPWH, DoTr at kung anu-ano pa na pinanggalingan sa LGU participation, ng Local Devt Council.

Ang masama, nag-evolve ng nag-evolve. Di lang yan. Andiyan ang recommendation ng RDC na 20% na nga lang at recommendation ng ahensya, pagdating sa BCC, bubuwisitin pa ng BCC na babaguhin pa. So talagang di mo makilala. The better word to describe it is mangled beyond recognition. Mangled na nga, mutilate pa so di mo talaga makikilala at lihim pa ginagawa. Yan ang masama. So sa implementation kung sino lang ang kongresista na naka-in sa circle at sino ang senador naka-in ang kanilang lugar at pet project ang naibibigyan ng pondo kasi yan ang naipasok sa national budget.

Congressmen to Contractors and Vice Versa:

“May natanong akong congressman maski sila nagugulat din ang ilan ba congressman na di kabahagi dito. Kasi tinanong ko at least sa isa. Ilan ba ang congressmen na contractor? Sabi niya huling bilang 67, ito 6 months ago. Di ko alam ngayon kung ilan na kontratista ng mga congresmen. So ang mga dating contractor naging congressmen, at ang mga congressmen naging contractor. Kaya dumami ng dumami ang contractors sa Congress. Sa Senado wala akong narinig na contractor. So kita mo agad ang conflict of interest. So mama-mangle ang budget natin. Ang nawalan dito ang mga kababayan natin at buong bansa kasi naiwanan tayo sa devt. Lumobo ng lumobo ang utang pero walang pinuntahan ang utang.”

Right-of-Way Racket:

“Kaya noon nailabas ko may bahay sa gitna ng kalsada kasi di pa nabayaran ng right of way may pambayad naman. Confirm ko noon hingi ang DPWH P22B para sa right-of-way payment pero meron silang P11B na di pa ginagastos. Ang balita ko diyan at may basehan ito, sinasadyang di bayaran para ang contractor mag-abono para bayaran ang tinamaan ng kalsada. Ang sa connector balita ko si Mr Ramon Ang na nag-settle ng nakaharang na property na tatamaan sa Skyway connector. May pondo yan, nasa budget yan. Bakit ang contractor o proponent mag-shoulder ng expenses? So sinasadya ang di bayaran. Saan napunta ang ROW sa budget ang laki noon, nasa P11-22B, ito ang question ko noon.”

Senators’ Pet Projects:

“Yan ang nangyari sa kalakaran sa budget. Sabi sa akin sa loob din ng Senate galing ang aking info, ganoon ba kalaki ang pondo ng pet project ng senador? Napunta na sa P5B, bilyon na ang usapan. Pag pet project di ko sinasabing identify nila after enactment ng budget kasi yan pinagbawal ng SC. Pero nakalagay sa budget pero alam natin naman lahat, common knowledge nagkaalaman sila na kanilang pet project yan.”

Lawmakers in Ayuda Distribution:

Pati ang ayuda sila pa nag-distribute. Mga kongresista, senador. Nakita naman natin open naman sila dito, saan sila napupunta, bakit sila mag-distribute? Implementation yan. Budget execution yan, sa executive branch yan. Bakit papakialaman nila ang pag-distribute? Ganoon ang naging cycle sa halalan. Pag di ka nakipagkompetensya sa kasamahan mong kandidato na namimigay ng ayuda na di nila pera at pera ng govt at dapat namamahagi ang ahensya DSWD man o DepEd man o kung anumang ahensya, sila mismo nagdi-distribute o nandoon sila at mayor. Kausap namin dito ang ilang mayor din siyempre nahiya sila nandoon si senator at congressman sasabihin nila magpasalamat kayo kay congressman at senador, kasi sa kanila itong pinamumudmod sa inyo.”

Transparency and Public Participation in Budget Process:

“Noong 2019, nag-file ako ng bill na gawing transparent di lang ang BCC ng budget kundi ang buong proseso na magkaroon ng participation o presensya ang mga civil society organizations na accredited ng govt mag-participate, para di rin magulo. Pero walang nangyari sa panukalang batas kaya ganyan pa rin ang kalakaran. Pinaka-secretive na BCC ang panukalang batas para sa budget. Kasi ang ibang BCC ng mga simple or ordinaryong panukalang batas, pinapayagan namin ang media na mag-cover. Pero nagtataka ako bakit pagdating sa budget hindi pwedeng may ibang nakakarinig. At walang minutes yan, alam mo yan, nanggaling ka diyan.”

“Gawin nating batas para talagang batas. At may kaukulang parusa o kaya kung anong sanction man na meron para talagang maipatupad ang batas na yan.” (Related: Preventing Pork: Lacson Bill Encourages Public Participation in Budget Process)

“Walang minutes of the meeting. Sa formal meeting ng conference, formalities, kaunting speeches. Pagkatapos sasabihin suspend, i-refer sa small group bicam ang pag-aaral ng mga disagreeing provisions ng mga versions. At pag sinabing small group bicam, 2 tao lang yan, ang finance committee chairman ng Senate and appro committee chairman ng HOR.”

Noong napansin ko panahon namin ito kinwestyon ko ito, bakit nang pinagaralan natin ang budget, 20% lang di lumalampas ng 20% ang ina-adopt sa provision na nanggaling sa RDC. Ibig sabihin balewala ang RDC. Dito nagkakaroon ng imbalance sa devt. Kung sino lang ang malapit sa kusina so to speak yan pinabibiyayaan ng infra projects at ayuda. At ang malayo sa kusina, ang hindi naging kaalyado ng administrasyon, napagiiwanan sa devt so may imbalance. Pero kung nasusunod lang ang budget cycle na may citizens’ engagement at ang mga LDC malaki ang say para sa pagbalangkas ng national budget, hindi mangyayari yan. Mawawalan ng bahid pulitika ang pag-distribute ng pondong galing sa budget.

“Ang solution ang transparency sa budgeting process. Mula budget preparation hanggang accountability, gawan na ng batas. Ang problema nag-file ako ng batas hindi naman nakapasa, kasi ayaw din nila ng transparency kasi mawawalan ng hanapbuhay pagka walang transparency. Pag maraming nakabantay, nandiyan ang media, ang CSO, nakabantay every step of the way sa bawa’t phase ng budgeting process, kung may nakabantay maski papano magkahiyaan. Bakit pa pagkalihim-lihim ng BCC at sinasara ang pinto at bawal ang media pagkatapos ng formalities and niceties, bawal na media, labas kayo, pati ibang staff labas kayo, kami lang maguusap dito?”

***

* SENATE COUP RUMORS:

2024 Budget and Senate Coup Rumors:

Nagkaroon ng usap-usapan na magkaroon ng coup sa Senado… Ang controversy sa coup rumor sa Senate, parang nakaltasan ang maraming senador. Magugulat ka sa mga halaga. Ito usapin na nasagap natin na report lang na di ko nava-validate o mahirap i-validate kung totoo. Ang P160B sa budget sa 2024 na para paghati-hatian ng 24 senators, so compute ko sa mga P6-plus-billion each kung standard. Pero ang nangyari mukhang nakaltasan ang… 21 senators parang 3, 4, o 5 lang doon napunta ang nakaltas na P100B. So nagaalburuto ang iba na bakit ganito na lamang.”

Kikilabutan ka, kasi noong araw noong di pa declared unconstitutional ang pork barrel, P200M ang bawa’t senador, P70M ang bawa’t kongresista. Pagka may narinig ka noon na P500M medyo anomalous na, teka muna, lamang na ata ito, kaswapangan na ito. Of course may inflation at lumaki na budget. Kaya di umaasenso ang PH. Lumalaki ang budget at lumalaki ang utang pero saan napupunta?”

“Naka-appropriate na yan dahil sa budget na. Bawal ang i-identify mo ang proyekto after passed ang budget dahil after 2013 sabi ng SC bawal na yan. Pero nasa budget na yan. Nagkakaintindihan na rin na pet project ng kung sino-sino yan. Di lang sa Senate kundi sa HOR.”

***

* HOUSE’S ECONOMIC CHACHA:

“May joint resolution na word for word parehong pareho. Ok yan, mas maganda kung word for word pareho. Pero nang bandang huli may isang word na magkaiba, separately. Hindi ko binibigyan ng sala ang HOR na wala ang separately sa resolution kasi in toto, qinuote nila ang provision sa Constitution na ¾ of all its members. Talagang silent yan. Kaya maski noong araw na laging pinagusapan ang ConAss, ayaw naming pumasok kasi pag pumasok kami sa joint session at hindi nareresolba yung whether or not voting jointly, e malabo kami doon. Alam mo pag ¾, ang 24 senators wala talaga, pasok ang ¾ maski hindi participate ang mga senador. So ngayon kung ang HOR version nawala ang word na separately at sa Senate version nandoon ang separately, away na naman yan.”

Ang delikado diyan, If I may advise my former colleagues, oras na pumasok sila sa joint session at di nareresolba ang voting jointly or separately, balang araw baka magsisi sila. Kasi nandoon na sila sa loob ng joint session. Ito ang magkaroon ng course of action kasi may controversy sa interpretation sa Constitution. Yan ang iniwasan namin again upon the advice of SFMD noon kasi siguro may connection siya sa SC, kasi noong araw mabubuo na sana ang ConAss. Sinabihan kaming 3 ni Sen Sotto and Sen Honasan, medyo malabo tayo pumasok diyan. Kasi pag nagkaroon ng controversy at pumasok ang SC may tulong tayo sa SC sa interpretation ng voting jointly or separately. Baka magkaroon ng interpretation of voting jointly patay tayong lahat diyan, wala nang Senado tayong matatawag kasi irrelevant tayong lahat diyan.”

So ngayon fast forward tayo nandiyan tayo, di ko alam kung meron silang kasunduan at least SP and Speaker na separately sila magbobotohan kung ano man ang provision ia-amend nila o ire-revise sa Constitution. Kasi ang PI limitado lang yan sa amendments. Pero pagdating sa ConCon pwede mag-revise, pag revision ito na major revision, parang baguhin ang form of govt, and so on.

***

* 2025 MIDTERM ELECTIONS:

On Possibility of Running in 2025:

“Kaya minsan iwas ako ng iwas sa interview, iwas ako sa tanong na yan. Talagang kung ako tatanungin sa ngayon, talagang retirement mode. Pero pagka nakarinig ako ng ganoong controversies lalo sa budget, di mapagkakaila naging passion ko na rin. Napaka-strong ng passion ko pagdating sa pagbusisi sa budget. Pag nakarinig ka ng abuso parang di ka rin mapakali sa upuan mo maski wala ka sa Senado at iniisip ko wala akong magawa. Pamiron miron lang ako, patweet-tweet lang ako. Pero kung nandoon ako maski papano makatayo ako sa floor at makakabahagi ako maski anong tulong na maibahagi ko.”

“Hindi sa pagmamayabang. Kinukwenta ko, dating staff ko bago ako umalis sa Senate, kinwenta nila magkano tipid natin dahil sa pag-interject natin o anuman sa budget, maski ako nagulat. Ang total amount, ang ballpark figure na indirectly or directly na natipid ko sa national govt, P300B mula 2001 hanggang 2022. Yan ngayon siyempre nakaka-miss sa aking part lalo sa dating staff ko.”

“(M)asarap na buhay tahimik ang buhay walang stress. (Pero) pag nakarinig ka ng ganoon, doon ako nadadalawang isip. Kasi maski papano iba ang nandoon ka sa ground at ikaw miron lamang. Pag miron lang talagang miron ka lang wala kang maibabahagi directly. Pero kung nandoon ako, marami akong nache-check on the spot.

Pag nakakarinig ka na wag kang bumalik pampagulo ka lang, maski papano nakaka-dishearten yan. Yan ang teka muna, tama nga, masaya na buhay ko, e ang tingin mo sa akin panggulo lang ako, baka tama ka nga na di ako bumalik. Pero sa isang banda, dahil sa 2 budget seasons nakaraan na ako pa ang nakadiskubre … hindi na double appropriations, triple appropriations na, quintuple. Yung isang multipurpose bldg 5x popondohan, iisa naman ang location, pero 5x bu-budget-tan. Di ba kalokohan na yan? Ako wala na sa Senate ako pa nakakita at nang pinoint out ko nasundan sa kanilang pagdinig, natanong nila.

*****