In an interview on NET25, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* 2025 budget
* Alice Guo
* Pastor Apollo Quiboloy
* PhilHealth funds
QUOTES and NOTES:
* 2025 BUDGET:
Tradition vs Right to Question OVP Budget:
“Talagang merong time honored tradition pag budget ng OP and OVP, maski sa SC and judiciary. Sa isang banda naman, tradition na sinusunod, pero di mapipigilan sino ang member ng committee, appro or committee on finance sa Senado, na magtanong kung meron silang gustong i-clarify. Ang nangyari kung susundan natin ang pangyayari, medyo di maganda ang naging sagutan noong una.”
“I-honor ang time honored tradition pero at the same time di pwede pigilan sino ang member na gusto magtanong.”
Issues at Bicameral Level:
“Sa BCC pati yan pinakikialaman na e iilan lang yan, di yan ang plenary, ang pinagusapan sa plenary buong House yan, buong HOR and Senate. Pagdating sa BCC, mga 15 lang, mga representatives, pero nababago.”
“Minsan may ginagawa pang enrolled bill na, ratified na, pagka naprint, binabago pa, anomalous. Pero ginagawa pa rin yan.”
P29B ‘Tampering’ in 2024 Budget:
“Sa aking info, sa 2024, mukhang may P29-plus billion na nabago sa enrolled bill.”
***
* PHILHEALTH FUNDS:
“Ang definition ng unprogrammed funds, standby appro yan, di kasama sa regular budget. Under special purpose fund yan, ang unprogrammed. Naka-standby yan kung may kailangan ang ahensya ng additional funds, medyo kinapos at kailangang dagdagan, diyan kukunin. Ang nangyari dito, 3 lang ang special provision diyan sa unprogrammed fund. Una pag may excess, sa treasury may excess na budget so pwede hugutin. Pangalawa kung may revenue measure na naipasa para mapondohan ang unprogrammed fund. At pangatlo ang approved loans. Ginawa sa bicam, dinagdagan ng 2 provisions: sinama ang GOCC at ang foreign-assisted project.”
“Ang PhilHealth ginalaw nila so nasa SC na ngayon. Harinawa kung makita ng mga petitioners ang talagang issue kasi ang sa issue ng petitioners, parang appeal sa emotion. Dahil ito Philhealth para sa nangangailangan ng tulong sa health care. Ang talagang issue na dapat tumbukin diyan, ang GAA is a general law. Ang Philhealth law at amendments, pati ang UHC, special law. Hindi pupwedeng i-amend ng general law ang special law. Napaka-basic noon. Kasi ang special law, ito ang clarified na nga ang general law. Di pwedeng bumalik ang general law nai-amend ang special law. Ang GAA being a general law di pwede amend ang UHC act, hindi pupuwede. Kasi nakalagay doon pag may excess babalik yan sa benefits ng members.”
***
* ALICE GUO:
“Ang inaalala ko noon kung naging municipal mayor siya sa pamamagitan ng pekeng dokumentong nagawa niya, di malayo na maging congresswoman siya kasi sa mga testimonials din ng mga constituent niya maganda ang kanyang pamamalakad sa Bamban. Kinocompare sa dating alkalde doon, ibang iba ang palakad niya kasi lahat na municipal coffers pumupunta sa needs and interest ng kanyang mga “kababayan.”
“Kung ganoon ang kanyang palakad (baka tumakbo) bilang district rep, maging congresswoman. Kung siya ay isang spy, di ko pinipilit ang aking opinion, napakadelikado kasi may access ka na sa highly classified information and documents. Mataas na kasi security clearance mo. So delikado yan.“
“Kung totoo at kung may magaling na spy, wag natin menosin ang strategic importance sa mundo lalo sa China lalo na’t may WPS na issue. Kung highly classified info at top level na ang makukuha ng ibang bansa sa atin delikado tayo.”
“Na-expose ang vulnerability at weakness ng ating system di lamang sa banking system, di lang doon kundi sa PSA, pati ang DFA. Maraming nakakuha na PH passport na mga Chinese. Exposed na exposed ang weakness ng ating sistema dito. So dapat maging aral sa ating institutions na dapat patibayin ang security measures kasi pinaiikutan tayo lalo ang galing sa China na gustong magnegosyo dito, ang hirap kumuha ng passport ang Pilipino, pero ang Chinese, parang ang daling makakuha ng Filipino passport.”
***
* ALLEGED OVERKILL BY PNP ON APOLLO QUIBOLOY:
“Coming from law enforcement, I don’t mind overkill kasi protection ng kapulisan. Kami pag mag rescue kami sinisigurado ko lamang ang law enforcement ang sasalakay. Ang ratio ko laging10:1 kasi psychologically pag nakita ng quarry mo wala siyang patutunguhan susurrender siya. Pero kung field ka ng tauhang 1:1 or 2:1 baka manlaban pa.”
*****

