Ping: Alice Guo, Pastor Quiboloy, National ID

In an interview on DZXL, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* Alice Guo
* Pastor Apollo Quiboloy
* National ID issues

QUOTES and NOTES:

* ALICE GUO:

Death Threat and Request for Executive Session:

“Ang death threat is another issue. Ang dapat pagusapan ang sustansya ng pagdinig. Side issue lang ang death threat niya. Ngayon para mapaliwanag niya bakit alanganin siya sumagot, maganda siguro marinig maski sa executive session para ma-appreciate ng mga senador. At pagkatapos mapaliwanag niya ang sinasabing death threat sabihin naman niya ang totoo kung sasabihin niya. Pero sabi ko nga, kung may training siya as a foreign spy mahirap talagang mapiga yan.”

Government Action Needed:

“Dapat patibayin natin ang mga security natin sa mga institution natin kasi maluwag eh. Hindi maluwag kundi napapasukan dahil sa corruption din. Sa PSA, even sa DFA, o kaya sa pagkuha ng fake identities. So dapat talaga bantayang mabuti at parusahan ang dapat parusahan. Kaya tama ang pahayag ni PBBM na heads will roll.”

***

* PASTOR QUIBOLOY:

“Ang sinasabing overkill, sa aking pananaw bilang dating law enforcement officer, pag nag-rescue kami ng KFR victim, sinisigurado ko na ang force ratio lamang na lamang ang law enforcement. Sa akin kasi, psychological yan eh kasi pagka ginawa mong 2:1 or 1:1, ma-embolden ang quarry mo, ang mga huhulihin mo, na manlaban kasi may laban sila. Pero ang ginagawa ko noon 10:1 at least. Pag alam naming 5 ang kidnappers, talagang 50 tao ang gagamitin ko para sumalakay para hindi na makaporma. Para bang overwhelmed masyado sumuko na lang di na manlaban, di na makapanakit.”

***

* NATIONAL ID:

“Maraming glitches. Ako kasi nag-sponsor sa floor niyan at sabi ko nga kanina di lang functional, foundational ang ating ID. Isipin mo 38 iba’t ibang ID natin napagisipan natin it’s about time magkaroon ng national ID, 1-2 na lang tayo sa buong mundo na walang national ID na matatawag. So pinondohan natin yan, pagkapasa ng batas nagkaroon ng initially P6B, pero nang nasa BSP na, ang ugnayan between PSA na sila ang office of primary responsibility diyan, kausap nila BSP. Ang problema along the way napalitan ang agreement nila. Dapat sila mismo mag-implement, bakit na-subcontract pa ang ibang features ng mismong ID so nagkaluko-luko. Again, mare-resolve yan siguro sa arbitration kaya meron silang arbitration sa Singapore.”

“So masama ang kinahinatnan ng ating National ID kaya na-defeat ang purpose.”

“Kaya ang bank maski may provision na di kinilala ang Philsys ID, pwedeng papuntahin ang institution ng hanggang P500K. Ang mga bangko ngayon pag mag-open ng account di kinikilala hinanapan pa ng 1 pang govt-issued ID. Kung ating patutupad ang batas dapat may multa na ang bangko pero hindi mo masisi kasi na-compromise na ang integrity ng national ID. So dapat iresolba agad ng PSA at ng ating govt ang issue na kaharap ngayon patungkol sa national ID system.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading