Ping: Trader Approached by Alice Guo, National ID, OVP Budget

In an interview on DWIZ, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* Calls to name the trader approached by Alice Guo
* Possible compromise of National ID
* OVP budget

QUOTES and NOTES:

* ALICE GUO CASE:

Calls to name the trader approached by Alice Guo

“Nag-message sa akin si Sen. Risa Hontiveros na pakiusap sa akin kung gusto ko i-expound ang aking nabanggit tungkol sa P1B sabihin nating attempted bribe offer. Sabi ko sa kanya, parang I don’t think so. Kasi kung ako, magiging hearsay lang kasi wala naman akong direct or personal knowledge tungkol dito.”

“Hayaan mo sabi ko, at kakausapin ko ang aming kaibigan. Kung willing siya, sasabihan ko siya. So doon natapos yan. Ang pagkaalam ko wala dito ngayon, I think nasa China…Kung sakaling pagbalik niya at willing mag-testify pasasabihan kita at ang dati kong kasamahan lalo ang chairperson si Sen. Hontiveros.”

Is the trader ready to testify?

“Nagkita uli kami late this week. Grupo uli. Di lang ako. At we had a good laugh nang pinagusapan nga yan. Hala ka patatawag ka sa Senado. Noncommittal naman siya. Di niya sinabing oo o hindi. Pero again, ni-reiterate niya ang usapan nilang 2 ni Alice Guo.”

Did the trader relay Guo’s to the First Family?

“Tinanong ko siya kung na-relay niya sa kanyang contact sa Malacanang. Sabi niya di ko na ni-relay. Ang pagkaalam ko, di kakagatin kaya yan ang kanyang binanggit. Hanggang sa kanya lang. Di na niya nai-relay ang mensahe.”

Possible offers to PAOCC and law enforcers?

“Si Usec Cruz naging tauhan ko sa PACC, siya ang aking intel officer noon sa Task Force Habagat. I can also speak highly of him, ang integridad niya mataas. Totoo ang sinasabi niyang posibleng maraming nag-o-offer sa kanya at mismong dating kasamahan niya ang nagpaparinig na dahil malawak masyado ang operation ni Alice Guo at di natin alam saan nanggagaling ang suporta na kaya niyang ipagalukan kung kani-kanino.

“Ako sumasangayon ako sa pahayag ng PAOCC tapos si SOJ Remulla na magtulung-tulungan especially ang ating intel agencies talagang dapat laliman ang pagimbestiga. Parang incidental ang POGO. Ibang angle ang kanilang tumbukin at alamin nila, baka may malalim pang pinanggagalingan ang activities ni Alice Guo.”

POGOs Breeding Grounds for Crime, Corruption:

“Napakarami na talagang POGO operations ang karamihan mga illegal operations. Kaya tama lang ang naging hakbang ni PBBM na itigil na at ideklarang illegal lahat na POGO operations. Nadamay ang mga legal pero di hamak napakarami nang mga illegal at nagiging breeding ground ng crime and corruption.”

“Alam natin kung may POGO activities naglipana ang members ng PNP at AFP, nagsisilbing bodyguard ng Chinese POGO operators. Minsan napakarami akala mo mga high government officials na sa luxury vehicles at may escort. Pagka naman nasilip mo di naman government official kundi POGO operator na dayuhan pa. At di lang yan. Di ba nakitang may torture chamber. So nagiging breeding ground ng kriminalidad at katiwalian sangkot ang ating kapulisan and even members of the AFP.”

***

* POSSIBLE NATIONAL ID COMPROMISE:

“Yan (madaling maka-acquire ng legal documents sa PH) pa ang isang major concern. Na-expose ang weakness o vulnerabilities ng ating ahensya. Na dapat ang integrity ng records at dapat pinangangalagaan, na-expose tuloy ngayon. Ibig sabihin, kung totoo na ito ay espiya na pinroject para sa PH, exposed na exposed na, kaya palang paikutin ang ating mga ahensyang nag-aalaga ng records. Alam na rin naman natin na maraming Chinese nationals nakakuha ng passport. Sa pagiimbestiga parang 200 na ata ang nadiskubreng nakakuha ng PH passport.”

“At di lang yan. Malamang sa hindi dapat tingnan din ng PSA, baka naman ang ating PhilSys, ang national ID, ganoon na rin, na-compromise na rin kung saan ang identity theft na tinatawag nagkaroon na rin ng ganoon lalo may lumabas na bagong information kung saan nagkaroon ng problema ang pagimprenta ng National ID.”

***

* OVP BUDGET:

“Sinusunod ang time-honored tradition na parang inter-departmental courtesy, na pagka OP at OVP, pati ang sa Judiciary, pag nandiyan ang mga Justices ng SC, ang courtesy talagang halos pag-open ng hearing sa committee level, roll call pagkatapos acknowledgment. Agad-agad may mag-motion na irekomenda sa plenaryo ang budget na walang ginagalaw. Pero hindi ko rin sinasabing wala nang dapat magtanong kasi kung may gustong interesadong magtanong di mo rin naman pwedeng pigilin kasi tradition lang naman ang may courtesy na binibigay at huwag na tanungin. Pero yan naman ay tradition na hindi dapat i-observe kung may nasisilip na gustong tanungin o gustong i-clarify ng isang mambabatas o isang grupo ng mambabatas.”

Ang hindi parang magandang nangyari, kasi ang baletaktan, ang naging sagutan, napakalaking na-slash sa budget ng OVP. I’m just hoping na pagdating sa Senado, kasi ang magiging HOR version pa lang naman ang binawasan at naging P700M na lang sa halip na higit P2B, I just hope pagdating sa Senado i-reconsider naman nila out of deference, or out of respect, maski sabihin nating kaibang partido na ng pangulo ang VP, bigyan naman ng kaunting consideration para rin makapagsilbi nang maayos ang ating VP.”

“Masama maging precedent ito, kung siya naman halimbawa, hypothetical ito, supposition ito, halimbawa siya naman maging pangulo at hindi niya kapartido ang VP niya, baka maulit yan at maging kalakaran na, na balikan ng balikan. Di ba isang nakakapigil sa pag-unlad ng PH, ang hindi nagkakaisa ang di lang ang nasa executive department kundi sa lehislatura.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading