In an interview on One News, Ping Lacson answers questions on:
* Budget reform legislation
* Legislation to reform the PNP
QUOTES and NOTES:
* BUDGET REFORM:
“Ang opening statement ko kanina kasi after naka-file haharap kami sa media. Sinabi ko doon na I don’t have to reinvent myself assuming manalo ako next year, I don’t have to reinvent myself. Gagawin ko rin dati kong ginagawa ko lalo ang pagbusisi sa national budget among others. So ganoon pa rin ang ginagawa naming scrutiny kasama ng aking mga staff. Nasanay na rin sila magagaling na staff ko, na-develop sa kanila ang pagsilip sa maliit na font sa budget books na parang phone directory. So yan pa rin ang gagawin at titingnan namin kasi noong nandoon ako for 18 years marami kaming napigil na mga realignment na hindi dapat.”
“Ang natandaan ko isa, nag-stick sa mind ko, ang P8B ginawang parang seed money ng free tertiary education kasi ipapasa lang ang batas pero napondohan sa susunod na budget kasi nasilip ko P8B na di nararapat. Napagusapan namin sa caucus, ilagay na natin diyan para sa free tertiary educ bill at the time pero alam naming papasa na yan. Kaya yan naging startup pondo para sa tertiary education.”
***
* PNP REFORM:
“Ang PNP, ang organization, in place ang IAS. Nga lang medyo walang masyadong ngipin. Ang nasusunod pa rin ang CPNP. Dapat yan parang sa ibang bansa, pag natawag ka ng internal affairs, may paglalagyan ka. Dapat bigyan ng independence kasi nasa PNP Law na yan ang IAS para sa PNP. Of course dapat palakasin din ang PLEB. Kasi parang naging dormant yan. Napakaganda noon kaya lang babantayan din dapat may safeguards kasi pag PLEB ang nagcha-chair ang municipal mayor. Kung matino ang mayor ok lang pero kung halimbawa pulitikko ang mayor, mahahawakan niya ang pulis sa kanyang munisipyo. So dapat ito siguro kung magkakaroon ng amendment ang PNP law, ito ang dapat tingnan natin na ireporma o i-amend. Palakasin ang PLEB at mag-streamline ng functions ng IAS.”
*****

