EXPLAINER: Implications of the ‘Blanks’ in the 2025 Budget

In interviews on NET25 and DZRH, former Sen. Ping Lacson answers questions on the ‘blanks’ in the 2025 budget, and their implications on Filipinos.

Related: On the Reported ‘Blank’ Appropriations in the 2025 Budget

QUOTES and NOTES:

Blanks in the Budget:

“Ang pinaguusapan na lang dito kasi maliwanag ang BCC report pirmado. Nakita ko at least ang BCC (bicam) report ng Senado na hindi ito nagkakaiba sa BCC report ng HOR, product of BCC deliberations. Meron talagang blank spaces doon na parang nasa 12-13 pahina out of the 200 pages na BCC report. Ang nakapaloob sa BCC report, disagreeing provisions, iba ang version ng HOR at Senado at yan pina-reconcile so yan lang nilalaman so di ito aabot ng libo libong pahina. Ang bilang na narinig ko nasa 200 pages. Out of 200 pages may pahinang naglalaman ng blank appropriations. So established na yan. Walang problema yan. May problema pero di subject ng discussion dapat.”

“Pag pumirma ka ng BCC (bicam) report, ito subject to ratification, di pa final document yan although pagdating sa plenary ng both houses ira-ratify di na pwede amyendahan. It is only subject to rejection or ratification. Di nangyayari ito ang BCC report e magkakaroon pa ng debate. Pwede mangyari yan bago mag-ratify may tumayo at mag-question. Ire-reconstitute ang BCC, ibabalik sa BCC ang report para pagaralan uli. Pwede sana nangyari yan kasi kung nakita ng senador at naquestion bago magbotohan for ratification, valid ang ground mag-reconstitute ang BCC at di i-ratify muna. Maski ma-delay ang pagpasa ng budget at abutin ng Enero at may panahon para magkaroon ng reenacted budget, mas mahalagang ma-correct ang mali. Kasi di pwedeng may blank.”

Ang mga blanks, sino ba nag-fill in the blanks? Kung ang blanks sa bicam report sa Senate version na siya ring I assume ang BCC report ng HOR, na-fill up ito nang print ang enrolled bill, ang dapat bagsakan ng sisi dito ang HOR kasi ang nagpi-print ng enrolled bill ang HOR, di Senate. Kaya iniba ang enrolled bill sa ratified bicam report. So kung ganoon ang nangyari, ang sisi dapat nasa HOR. May part din sa Senate kasi bakit di na point out. Teka muna may blank ito. O kaya ang bicam report na na-ratify natin naiba sa enrolled bill.”

“Isa pang problema na siguro mas malaking controversy, kung as is, may mga blanks, I think most of the blanks na appropriations nasa DA. Meron sa PCA, Fisheries, Office of the Secretary. Nakita ko mismo kasi napadalhan ako ng kopya. At least 14 senators nakapirma sa bicam report na may blank. So doon pa lang sa ginawa ng Senate may problema na kasi may blank.”

“Balikan ko, kung ang pag fill up ng blanks nangyari sa enrolled bill, ang kasalanan nasa HOR. Pero kung napasa ang enrolled bill na na-transmit sa Malacanang na may blank pa rin, sino na ang nag-fill up ng blanks? E di malamang ang DBM or kung sinong ahensya pa na bago isumite sa Pangulo para pirmahan ang mismong GAA, na-fill up pero ng executive branch. Mas anomalous yan kasi ang executive branch hindi pwedeng mag-amend. Pwede lang mag line item veto pero di pwedeng ibahin ng Malacanang kung ano ang na-transmit sa kanilang enrolled bill. Di pwede magamyenda. Madali namang makita yan para ma pinpoint natin ang responsibility.. I-compare natin ang ratified bicam report sa enrolled bill. Kung pareho yan at may blank sa enrolled bill, lahat may kasalanan, both legislative and executive branch. Pero kung ang enrolled bill filled up, walang kasalanan ang Malacanang, ang may kasalanan lang ang HOR pati ang Senado.”

“Ang pinaguusapan natin dito, nang nagsumite ng enrolled bill ang Kongreso, ang nagpi-print kasi ng enrolled bill, HOR. Walang papel ang Senado sa pag-imprenta ng enrolled bill na ipapadala sa Malacanang para pirmahan ng pangulo o i-veto. Kung sa enrolled bill nandito pa rin ang blank dahil established fact na may blank sa BCC report at faithful reproduction dapat ang enrolled bill ang BCC report. So kung may blank doon at nakarating sa Malacanang, ibig sabihin sa executive branch nagkaroon ng tinatawag na fill in the blanks. Malamang yan ang gumawa niyan DBM or member ng DBCC. Kasi bago nila ilagay sa table ng presidente para pirmahan walang makakapag-imagine na may blank doon kasi pipirmahan ng pangulo, makikita ni ES Bersamin yan o Sec JPE. Di makakalusot yan.”

(Can the committees on appropriation and finance correct and fill the blanks? “Hindi. Plenary yan. Di pwedeng ilang tao lang pwede mag-ratify ng BCC report. At pag na-ratify na di pwedeng baguhin yan kasi yan ang lalamanin ng enrolled bill. Parang pinaubaya mo sa empleyado ng HOR at Senado ang national budget natin sa susunod na taon. Hindi ako siguro sasang-ayon doon kasi ang nagde-decide kung ang budget ira-ratify, mga senador na 24, at least majority at majority ng members ng HOR. Di pwedeng ipaubaya yan sa technical working group kasi wala silang mandate from the electorate.”

Implications of the ‘Blanks’ in the Budget:

“Yan ang malaking usapin ngayon. Kasi idudulog sa SC at SC lang pwede magsabi kung anong kahihinatnan ng 2025 GAA. Kasi ang enrolled bill at BCC report at ratified BCC report di pa batas. Ang batas na pwedeng kwestyunin, ang constitutionality ng batas, ay ang GAA, na napirmahan ng pangulo at maliwanag naman na kumpleto. Walang blank. Pinagdiinan nila yan kumpleto ang GAA at maski isalin sa website ng DBM complete yan so walang question doon. Ang budget process doon nagkaroon ng defect. So kaya bang habulin ang constitutionality ng 2025 GAA dahil mali ang proseso? Yan ang question na iiwanan sa SC. Di natin pwedeng sabihing unconstitutional yan o constitutional kasi di tayo ang SC.”

“Ang pwede lang kwestyunin lang sa SC na batas, constitutionality. Pero sa ngayon at face value, constitutional ang GAA kasi walang blanks. Kumpleto ang GAA for 2025 pero pinanggalingan niyan, yan ang may question. Sasabihin ng SC dahil ang proseso may depekto at di naaayon sa budget process na mandated sa Constitution, pwede ma-interpret ng SC na unconstitutional ang GAA 2025. Kung hindi, mananatiling constitutional ang GAA 2025.”

“Babalik tayo sa reenacted budget kasi kung di valid, it is as if hindi napasa ang 2025 national budget. Kung ang gagamiting budget, ang reenacted. Ang nasa 2024 GAA, mag-operate ang government. Ang mahirap doon pag nag-reenact tayo parang lump sum ang buong 2024 budget, kasi ang ibang items doon na-implement na. Ang maiwan doon ang amount. Kaya iniwasan na reenacted ang budget.”

“Ang national budget, ang laging tawag ko diyan lifeblood ng economy if not the country itself. Pag nabarahan yan stroke ang aabutin mo. Ganoon din ang bansa natin. Pagka bara-barado at kung saan-saan napunta ang budget at hindi nagagamit nang tama, di tayo tatagal. Sinabi na rin ni SOF Recto, noong araw pa ito, ngayon nag-update na yan, ang hinihiram ng PH sa loob ng 1 araw. I think this was a few months ago, P4.1B, ngayon nasa P5B na utang daily. Para lang masustentuhan ang ating operation ng govt. Imagine, P5B a day na uutangin mo. Nag-operate tayo on a deficit. Di tayo makagasta para sa operation ng govt kung di tayo uutang. Di ba napakalungkot noon? At kung nakarinig tayo nasasayang ang budget sa dahil sa corruption, misuse, unused, yan ang problema.”

Deja vu in 2018:

Noong 2018 para sa 2019 budget, may ganyang nangyari, parang deja vu nang nalaman ko ito sa blank. Noon nag-ratify ang HOR sa ilalim ni SGMA. Napansin ng staff ko parang magkaiba ang ni-ratify sa Senate at faithful reproduction ng BCC ang enrolled bill. Pero nang nakita namin enrolled bill bago pirmahan ni SP Sotto nakita namin magkaiba ata ito. May parang P75B worth of different projects na sama sa enrolled bill na di kasama sa ratified BCC report. So question namin ito pinagbigay alam sa Malacanang. Si PRRD through ES Medialdea kinausap namin nagusap usap kami. Ang maganda nagusap kami ng majority and minority. SP Sotto, Sen. Drilon, Loren Legarda, at Sen Honasan. Kinonsulta namin kasi walang lawyer, kinonsulta namin si FMD, anong pwede gawin ni SP, baka masisi ma-delay ang budget. Maganda suggestion ni FMD na i-qualify ang pagpirma. At I think ganoon ginawa ni SP VST. Sinabi niya sa pinirmahan niya, ang pinirmahan ko lang ang nakapaloob sa aming ni-ratify na bicam report. Hindi ko pinipirmahan ang enrolled bill mismo. Parang qualify niya. So masusing tiningnan ng Malacanang doon at may nakitang additional P20B. Yan ang pinakamalaking veto message na ginawa ng Pangulo na umabot ng P95.3B.”

“(Noong 2018), pinagaralan ng Malacanang at nakakita sila ng additional P20B pa mahigit. So yan ang pinakamalaking veto sa history ng PH sa aking pagkakatanda, P95.3B ang veto ng President, nawala yan sa GAA. Yan ang tamang pamamaraan. Ang problema ngayon, walang nag-question nang nag-ratify ng BCC report na maraming blank.

‘Pork’ has evolved:

Masasabi nating still existing (ang pork) although naiba ang pamamaraan kasi ang na-declare na unconstitutional tulad noong araw lump sum P200M sa senator and P70M sa congressmen di pa identified ang items na ipondo, post-enactment, magtuturo ang lawmaker ito ang proyektong gagawin. Ang sabi ng SC dapat itemized na. Totoo ang sinabi mo kanina na hindi lahat ay walang lump sum. Kasi pagdating sa kalamidad, sa disaster, ang pondo sa calamities, ang calamity fund, di pwede itemize yan kasi di natin alam ang calamity na darating. Di natin ma-predict na 1 year after, magkakaroon ng quake or disaster. So lump sum yan.”

Year in year out, pagkalaki-laki ng unused appro natin whether unreleased or unutilized ng agency. Kasi nga, pagdating sa Congress, ang insertions, nag-insert ang kongresista at senador na di nagkokonsulta o nire-request ng ahensya. Sa akin gumagawa ako ng realignment. Pero karamihan doon lumalapit sa amin ang ahensya, Sir di po ito napasama sa NEP, baka pwedeng kung makahanap kayo ng pwedeng pagkunan baka pwede bigyan ng augmentation. Yan ginagawa ko. Pinagaaralan namin ng staff ko kung may katwiran nagre-realign din ako pero tawag ko doon institutional amendment. Pero ang iba, whimsically, capriciously on their own kasi sariling proyekto, gustong magpagawa ng MPB o kalsada, wala nang consultation sa ahensya. So paano implement ng agency? Di naman ma-implement doon ang congressman. Bawal yan kasi nag-implement lang executive branch. Legislation lang kami pero tumutulong kami… separation of powers, check and balance. May NEP pero ma-check ng legislature yan dahil pwede namin ibahin ang submitted NEP ng executive branch. So ang nangyayari, kanya kanyang insertion na walang consultation di naman nire-request ng ahensya so di nagagamit.”

Transparency, Compliance in Budget Process Needed:

Dalawang resolutions na ang na-file ko diyan na gawing transparent ang BCC ng both houses pagdating sa budget. Tulad ng interpellation namin sa floor may tao sa gallery, may mga advocacy group, NGO, CSO, nandiyan nanonood, di sila makikialam. Manonood. Para conscious ang BCC members sa ginagawa nila. At may minutes dapat, may transcript para ma-pinpoint natin sino nagamyenda nito sino nagpasok nito.”

Naka-institutionalize ang budget process. Balikan natin ang proseso. Ang unang proseso sa budget process, nagisismula yan sa barangay. Meron tayong Barangay Devt Council. Municipal, city, provincial hanggang umakyat ito sa Regional Development Council. Yan ang tamang proseso. Sino ba ang higit na nakakaalam ng needs and priorities ng kanayunan kundi mismong taga doon?”

“Yan ang masama, di nasusunod ang, ideally kung nasusunod lahat na budget process maganda sana output baka asenso na ang Pilipinas.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading