
Former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Tuesday reiterated his appeal to the public to do their part to de-escalate instead of escalating the current political tension.
Lacson said that with the 2025 elections threatening to be divisive, the Filipino people must not allow the clashes among the parties concerned to add to the divisiveness.
“My appeal is for us to help de-escalate the situation instead of escalating it because nothing good will come out of the situation especially for ordinary Filipinos like us,” he said in Filipino at a press conference of the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate in Pasay City.
Related: Ping Lacson, Umapela Muli para Mabawasan ang Political Tension
He also declined to comment on pronouncements made by former President Rodrigo Duterte, including that of supposedly having 15 senators killed to make way for the candidates he is backing.
Lacson reiterated he and his fellow Alyansa candidates will stick to their policy of no negative campaigning.
He also cited an African proverb that “when elephants fight, it is the grass that suffers” – meaning that when powerful people clash, the ordinary people suffer.
“Very divisive ang ating election, wag na nating dagdagan ng divisiveness. Yan ang aking hiling. So mas magandang ako hindi na lang mag-comment (The election is threatening to become divisive, so let’s not add to it. That is my appeal. So I would not comment on it),” he said.
*****
Ping Lacson, Umapela Muli para Mabawasan ang Political Tension
Muling umapela sa sambayanan si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na gawin ang lahat para mahupa at hindi madagdagan ang tensyon dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa pulitika.
Ani Lacson, maaaring nakakahati na ang darating na halalan at hindi dapat pumayag ang mga Pilipino na ang lalala ang sitwasyon dahil sa patuloy na bangayan ng mga mga partido.
“Sana ang kahilingan ko tumulong tayo mag-deescalate sa halip na mag-escalate kasi walang maidudulot na maganda ito sa ating mga kababayan lalo sa pangkaraniwang Pilipino,” aniya sa pulong pambalitaan ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate sa Pasay City.
Tumanggi si Lacson na magkumento sa nasabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang diumano’y pagpatay sa 15 senador para makapasok sa Senado ang mga kandidatong sinusuportahan niya.
Iginiit ni Lacson na hindi siya kailanman gagawa ng negative campaigning, at ganoon din ang kanyang kapwa kandidato sa Alyansa.
Binanggit din ni Lacson ang isang kasabihan na “when elephants fight, it is the grass that suffers” – na nangangahulugan na kung nag-away ang mga makapangyarihan, ang mga pangkaraniwang tao ang mamalasin.
“Very divisive ang ating election, wag na nating dagdagan ng divisiveness. Yan ang aking hiling. So mas magandang ako hindi na lang mag-comment,” aniya.
*****

