Marhay na hapon sa inyong gabos, mga Oragon! Oragon na mga malalakas, matatapang at matatag. Kaya ang Bicol region, kahit daanan pa ng bagyo, ng baha at pagputok ng Bulkang Mayon, babangon at babangon muli at tatayo sa sariling paa.
Ang patunay ay ang Camarines Sur na kung saan ayon na rin sa 2023 Financial Audit Report ng COA, ay tinanghal na ikatlong pinakamayamang lalawigan sa buong Pilipinas. Palakpakan natin ang mga namumuno sa Camarines Sur at ang mga kababayan natin dito sa Camarines Sur.
Ako man po kahit hindi Bicolano ay isang oragon. Dahil bilang pulis nalagay sa panganib ang aking buhay sa di ko na mabilang na pagkakataon. May kasabihang, ang buhay ng isang pulis, ang isang paa nasa bingit ng hukay at ang isang paa naman patungo sa kulungan. Hindi ko na mabilang sa aking pagpapatupad sa aking tungkulin sa pagsipa ng pinto upang magligtas ng mga kidnapping victims. At minsan kami po ay na-ambush na rin ng rebeldeng NPA sa Isabela na ikinamatay ng isa kong tauhan at kinasugat ng iba pa.
Bilang Chief PNP, ako ay isa ring Oragon dahil pinatupad ko, pinaliit ko ang tiyan ng mga pulis at pinatigil ko ang mga nangongotong sa kalsada. At pinalayas ko ang pulis na matigas ang ulo.
Bilang isang senador, ako po ay nakapaghain ng 70 batas at ang isa rito ay para sa mga magsasaka. Ito ang Free Irrigation Act na kung saan hindi na magbabayad ng irrigation fee ang ating mga magsasaka. At yun ding Student Fare Discount Act kung saan ang mag-aaral pagpasok sa iskwela ay may discount sa pamaseahe sa pampublikong transportation.
At higit sa lahat, ako po ang inyong naging tagabantay sa kaban ng bayan sa Senado. At sa aming estima, mahigit P300B sa loob ng 18 taon ang aking naisalba sa paggamit ng mali o kaya sa hindi paggamit ng ating national budget.
At ito po ang masasabi ko lamang po. Kung ako ay bibigyan ninyo uli ng pagkakataon, ipagpapatuloy ko ang pagiging oragon sa Senado para bantayan ang inyong kaban ng bayan. No. 33 sa balota, Ping Lacson, maraming salamat po. Dios Mabalos!
*****

