Matagal-tagal ko na ring kakilala si Chairman Garcia. At kung hindi ako nagkakamali, kami ay magkakababayan sa lalawigan ng Cavite. Pero hindi ko akalain na ganito pala siya kasadista. 90 days kaming nagkampanya. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos, speech kami ng speech. Nang makita ko ang programa, speech na naman? Poproklama na kami, panalo na kami, speech na naman kami Chairman?
Levity aside, barring any future adverse, serious and credible issues or accusations raised against the Commission on Elections in the conduct of the May 2025 elections, I take my hat off to Chairman Garcia, the Comelec commissioners, the staff, the employees of the Commission on Elections for a job well done.
Like those who spoke before me and those who will speak after me, I have a long list of people to thank for making today possible. But I will only mention three most important individuals: God, my dear mother, and my dear father. Incidentally, they are all in heaven.
Natatandaan ko noong kami ay maliliit pa, kaming magkakapatid, hindi ko makakalimutan ang paulit-ulit na binibilin sa amin ng aking mahal na ina: Huwag na huwag kayong magnanakaw, huwag ninyong kukunin ang hindi para sa inyo.
Katunayan, isang Lunes ng hapon, dumating ang aking nakakatandang kapatid, 1950s ito, nasa elementary pa kami. Tuwang tuwa siya. Binabalita sa aking ina: Inay, nakapulot po ako ng isang sentimo and mind you, huwag natin matahin ang isang sentimo noong araw noong late 1950s ito, dahil mahalaga po ang isang sentimo. Ang sinabi ng aking ina, ang may-ari ng isang sentimo na yan hindi makakatulog ngayong gabi, sa kahahanap ng pera na yan. Kaya bukas ng umaga, pagpasok mo sa iskwela, hanapin mong pilit kung sino ang may-ari at isauli mo sa kanya. Yan po ang aking nanay na nagsasabi, nagbibilin na huwag na huwag kayong magnanakaw.
Ang akin po namang ama, dahil siya ay anak ng beteranong Katipunero si Lolo Mauricio, ang laging bilin naman sa akin, kasi nag-abot kami bago siya namatay, ako ay naging Chief PNP, Director General. Ang bilin niya sa akin, simple lamang. Lagi mo pagkakatandaan Ping, sabi niya: Ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan. Yan po ang aking naging panuntunan, ang aking naging gabay sa mahigit 50 taon na ako ay nagsilbi sa gobyerno – 20 taon bilang sundalo, 10 taon bilang pulis, at 18 taon bilang senador.
At ito po, Chairman, Commissioners, will be my 4th term as an elected senator of the republic. Mabuhay po ang Pilipinas, mabuhay ang Comelec, at mabuhay po tayong lahat!
*****


Yeheyy mabuhay ka Mistah senator Ping! “ANG TAMA IPAGLABAN, ANG MALI, LABANAN!”