Pormal nang nanumpa si Senator Panfilo “Ping” Lacson bilang Senador sa 20th Congress sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sa Korte Suprema sa Manila. Sa kanyang pagbabalik sa Senado sa ika-apat na termino, ihahain niya ang mga makabuluhang panukalang-batas at patuloy na pagbabantay ng pondo ng taumbayan.

