Lacson: We Are Not Surrendering Anything in Talks with Chinese Embassy on WPS

We are not surrendering anything — much less bowing to anyone — in any potential talks with the Chinese Embassy, Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson stressed Sunday.

Lacson emphasized that the prospective talks – which he suggested after Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan expressed willingness to talk with Philippine leaders to ease the word war on the issue – will focus not on contentious issues such as ownership of the disputed areas, but on establishing clear lines of communication between the two sides.

Also, Lacson lauded Sen. Erwin Tulfo for his own initiative to meet with embassy officials as the new Chairman of the Senate Foreign Relations Committee, saying it is “a move in the right direction” and “commendable.” He said Sen. Tulfo may report to the all-senators’ caucus the result of his 11 a.m. meeting, as the caucus is scheduled at 1:30 p.m.

“Wala tayong sinusuko at di tayo yumuyuko. Gusto lang natin maiwasan ang maaanghang na palitan ng salita through social media. Mas maganda ang direktang pag-uusap (We are not surrendering anything and we are not bowing to anyone. We simply want to prevent misunderstanding and fiery exchanges on social media, by talking to each other directly),” Lacson said in an interview on DZBB radio.

In Filipino: Lacson: Wala Tayong Isinusuko sa Pakikipagusap sa Chinese Embassy Tungkol sa WPS

“Baka may middle ground na pwede tayong makapagusap. Hindi yung yumuko tayo, ‘sige sa inyo na nga yan para lang maayos na ang ating usapan.’ Hindi ganoon (We might find a middle ground for communications. But the talks do not mean we are bowing to China or giving them our territory just to end the discussion),” he added. “Mas mainam ang maliwanag na maliwanag. Wala tayong sinusuko at hindi tayo yumuyuko (It is better to be clear on this: We are not surrendering anything and we are bowing to no one).”

Meanwhile, Lacson said that before engaging the Chinese Embassy, senators themselves must ensure clear communication among one another, noting that it does not reflect well when Filipinos engage in heated exchanges with fellow Filipinos over the issue.

Lacson said he cannot imagine any parliament in the world where lawmakers fight each other over their own country’s territory.

“Di ba napakapangit noon? I cannot imagine maski anong parliament sa buong mundo na nangyayari ito, nagkakapikunan ang mambabatas at ang usapin sino ang nagmamayari ng isang teritoryo na ang alam nating lahat teritoryo talaga ng Pilipinas o kaya nasa loob ng ating exclusive economic zone (Isn’t it ugly? I cannot imagine any parliament in the world where lawmakers fight over territory that we know belongs to the Philippines or is in our exclusive economic zone),” he said.

*****

Lacson: Wala Tayong Isinusuko sa Pakikipagusap sa Chinese Embassy Tungkol sa WPS

Wala tayong isinusuko — at lalong hindi tayo yumuyuko kaninuman — sa anumang posibleng pag-uusap sa Chinese Embassy, sinabi nitong Linggo ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson.

Ani Lacson, ang planong pag-uusap – na kanyang iminungkahi matapos ipahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ang kahandaang makipagdayalogo sa mga lider ng Pilipinas upang maibsan ang palitan ng maaanghang na pahayag sa isyu- ay hindi tutuon sa mga sensitibong usapin tulad ng pagmamay-ari ng mga pinagtatalunang lugar, kundi sa pagtatatag ng malinaw na linya ng komunikasyon.

Pinuri din ni Lacson ang inisyatibo ni Sen. Erwin Tulfo na makipagpulong sa opisyal ng Chinese Embassy bilang bagong Chairman ng Senate Foreign Relations Committee. Aniya, ito ay “move in the right direction” at “commendable.” Dagdag niya, maaaring ibahagi ni Sen. Tulfo ang resulta ng pagpupulong niya na inaasahang magsimula ng 11 a.m. sa all-senators’ caucus na inaasahang magsimula ng 1:30 p.m.

“Wala tayong sinusuko at di tayo yumuyuko. Gusto lang natin maiwasan ang maaanghang na palitan ng salita through social media. Mas maganda ang direktang pag-uusap,” ani Lacson sa panayam sa DZBB radio.

“Baka may middle ground na pwede tayong makapagusap. Hindi yung yumuko tayo, ‘sige sa inyo na nga yan para lang maayos na ang ating usapan.’ Hindi ganoon,” dagdag niya. “Mas mainam ang maliwanag na maliwanag. Wala tayong sinusuko at hindi tayo yumuyuko.”

Binanggit din ni Lacson na bago makipagugnayan sa Chinese Embassy, kailangang tiyakin muna ng mga senador ang malinaw na komunikasyon sa isa’t isa, dahil hindi aniya maganda tingnan na ang kapwa Pilipino ay nagkakaroon ng mainitang pagtatalo laban sa kapwa Pilipino sa isyung ito.

Giit ni Lacson, hindi niya maisip na mayroong Parliament sa mundo kung saan nag-aaway ang mga mambabatas hinggil sa teritoryo ng sarili nilang bansa.

“Di ba napakapangit noon? I cannot imagine maski anong parliament sa buong mundo na nangyayari ito, nagkakapikunan ang mambabatas at ang usapin sino ang nagmamayari ng isang teritoryo na ang alam nating lahat teritoryo talaga ng Pilipinas o kaya nasa loob ng ating exclusive economic zone,” aniya.

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading