
Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Friday dismissed as outright lies the claims of Sen. Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos about a supposed attempt to take control of the Senate leadership to pave the way for constitutional amendments to extend the terms of top government officials – much less to extend the terms of the President and Vice President, and change their age requirements from 40 to 50 in order to disqualify Vice President Sara Duterte.
Lacson said the Senate minority bloc, where he is a member, has never heard of such a tale, much less taken it up during its caucuses.
“Flat lies, outright lies. Kasinungalingan. Walang paguusap kami maski mga caucuses namin. Napakalimit naming mag-caucus sa minority never yan napagusapan never yan nabanggit ang con-ass. Kung may planong mag-conass di namin alam yan. Kung meron man at kung meron kaming narinig di namin alam kung anong end state na gusto nilang makita (Those are flat, outright lies. We never took it up in our caucuses. We meet frequently but never talk about it. Whoever cooked up that tale, we don’t know what they are trying to get at),” he said in an interview on True FM.
In Filipino: Lacson, Pinasinungalingan ang ‘Con-Ass’ na Akusasyon ni Imee
“Hindi ko alam anong pinanggagalingan ng kanilang pananalita. Kung meron silang matibay na basehan bahala sila (I don’t know where those tales came from. If those who are spinning those stories have proof, then it’s up to them),” he added.
Lacson said that as far as the “Mythical 11” – the nickname of the minority bloc – is concerned, its priority is to find ways to restore the Senate’s reputation and dignity.
He said that should the minority get the needed numbers to take back leadership of the Senate, it would seek to improve the public perception of the Senate.
“We love the Senate. Lahat kami nagkakaisa, Ibangon natin ang Senado first and foremost sa paningin ng ating mga kababayan. Kalimutan ang iba ibang issues, attendant sa pagpalit liderato. Sa amin ang primordial concern namin ang integrity ng Senate (We love the Senate. All of us are united on this – we must resurrect the Senate’s image. Forget all other issues regarding leadership changes for now – our primordial concern is the integrity of the Senate),” he said.
*****
Lacson, Pinasinungalingan ang ‘Con-Ass’ na Akusasyon ni Imee
Itinanggi ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes ang “kasinungalingan” ni Sen. Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos tungkol sa isang umanong plano na agawin ang liderato ng Senado upang bigyang-daan ang constitutional amendments na magpapalawig sa termino ng mga matataas na opisyal ng gobyerno – at i-extend ang termino ng Pangulo at Vice President, at palitan ang age requirement dito sa 50 mula 40 para ma-disqualify si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lacson, ang minority bloc ng Senado na kinabibilangan niya, ay hindi kailanman nakarinig ng ganitong usapin, lalo’t higit na natalakay ito sa kanilang mga caucus.
“Flat lies, outright lies. Kasinungalingan. Walang paguusap kami maski mga caucuses namin. Napakalimit naming mag-caucus sa minority never yan napagusapan never yan nabanggit ang con-ass. Kung may planong mag-conass di namin alam yan. Kung meron man at kung meron kaming narinig di namin alam kung anong end state na gusto nilang makita,” aniya sa panayam sa True FM.
“Hindi ko alam anong pinanggagalingan ng kanilang pananalita. Kung meron silang matibay na basehan bahala sila,” he added.
Sinabi pa ni Lacson na para sa tinatawag na “Mythical 11” — ang bansag sa minority bloc — ang pangunahing prayoridad ay ang paghahanap ng paraan upang maibalik ang tiwala at dangal ng Senado.
Aniya, sakaling makuha ng minority ang sapat na bilang upang muling makuha ang liderato ng Senado, tututukan nito ang pagpapabuti ng pananaw ng publiko sa institusyon.
“We love the Senate. Lahat kami nagkakaisa, Ibangon natin ang Senado first and foremost sa paningin ng ating mga kababayan. Kalimutan ang iba ibang issues, attendant sa pagpalit liderato. Sa amin ang primordial concern namin ang integrity ng Senate,” aniya.
*****

