
Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Thursday scored the ego-driven actions of Sen. Rodante Marcoleta during Wednesday’s Commission on Appointments (CA) hearing on the confirmation of Armed Forces of the Philippines (AFP) officers and foreign service officers.
Lacson called out Marcoleta’s objecting to his manifestation for the prompt confirmation of the AFP and foreign service officers’ promotions – and agreeing to withdraw his objection, if Lacson would also withdraw his manifestation.
“Gusto niya, hindi raw siya mag-object, basta i-withdraw ko rin ang manifestation (ko). Ano siya, hilo? Ang gusto niya, ego yan eh. Para naman pakita niya na in-admit ko mali ang aking manifestation. Pinag-withdraw niya ako. Sabi ko, ano siya hilo? Di ko gagawin yan, ego lang yan. Hindi ako mag-play sa ego niya (He said he would not object so long as I withdraw my manifestation. Is he nuts? What he wants is to feed his ego, to make me admit that my manifestation was wrong. So is he nuts? I refused to accommodate him all for his ego. I’m not playing to his ego),” he said in an interview on DZBB radio.
“Kilala naman natin siya. Basta maipilit ang kanya, yan ang tama. Ayaw niya makinig ng explanation, ayaw niya makinig ng reason (We know him. He wants to insist that he is right, and he does not want to hear any explanation or listen to reason),” he added.
In Filipino: Lacson, Binoljak si Marcoleta Dahil sa Ego-Driven na Galaw sa Pagdinig ng CA
During Wednesday’s CA hearing, Lacson manifested that the CA act promptly on the confirmation of the military and foreign service officers, as the delay caused by the Senate leadership row was “no fault of their own.”
But Marcoleta claimed the affected AFP officers were considered bypassed because they fell short of the one-year ban, or one year before they reached retirement age.
Lacson pointed out that the CA’s special session is a continuation of the first regular session and cannot be considered a new regular session, contrary to Marcoleta’s insistence.
He recalled that when Sen. Juan Miguel Zubiri talked to Marcoleta to convince him to withdraw his objection, Marcoleta said he would not object, so long as Lacson withdrew his manifestation.
Also, Lacson said that while he was concerned that Marcoleta would invoke Section 20 that allows a CA member to singlehandedly suspend the consideration or confirmation of a nominee or appointee, a review of the CA rules showed that the section cannot be invoked on the last day of session.
“Sabi ko, e go na tayo, tuloy na natin ito. Siguro napagtanton niya rin na hindi uubra ang Section 20, hindi na rin siya nag-object, nag-manifest siya pa nga na support (So I said let’s push through with the proceedings. Perhaps Marcoleta realized he cannot invoke Section 20, so he no longer objected and even manifested his support),” he said.
“Pero bakit mong guluhin? E, minamadali na nga, ala-una pasado na, hindi pa kami lunch. Kasi nakita ko nag lunch na siya sa lounge eh, busog na siya (But why did he have to disrupt the proceedings? We were trying to fast-track it especially since it was past 1 p.m. and we haven’t had lunch – but I saw him having eaten his lunch at the lounge already so he was full),” he added.
*****
Lacson, Binoljak si Marcoleta Dahil sa Ego-Driven na Galaw sa Pagdinig ng CA
Binatikos ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes ang aniya’y mga ego-driven na aksyon ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) noong Miyerkules kaugnay ng kumpirmasyon ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at foreign service officers.
Tinuligsa ni Lacson ang pagtutol ni Marcoleta sa kanyang manifestation na humihiling ng agarang kumpirmasyon sa mga promosyon ng mga opisyal ng AFP at foreign service officers – at ang pagpayag nitong bawiin ang kanyang pagtutol kung babawiin din ni Lacson ang kanyang manifestation.
“Gusto niya, hindi raw siya mag-object, basta i-withdraw ko rin ang manifestation (ko). Ano siya, hilo? Ang gusto niya, ego yan eh. Para naman pakita niya na in-admit ko mali ang aking manifestation. Pinag-withdraw niya ako. Sabi ko, ano siya hilo? Di ko gagawin yan, ego lang yan. Hindi ako mag-play sa ego niya,” aniya sa panayam sa DZBB radio.
“Kilala naman natin siya. Basta maipilit ang kanya, yan ang tama. Ayaw niya makinig ng explanation, ayaw niya makinig ng reason,” dagdag niya.
Sa pagdinig ng CA noong Miyerkules, naghain si Lacson ng manifestation na agarang aksyunan ng CA ang kumpirmasyon ng mga opisyal ng militar at foreign service officers, dahil ang pagkaantala ay dulot ng sigalot sa liderato ng Senado ay hindi naman nila kasalanan.
Ngunit iginiit ni Marcoleta na itinuturing na bypassed ang mga apektadong opisyal ng AFP dahil hindi nila natugunan ang one-year rule, o ang rekisito na may hindi bababa sa isang taon pa bago sila umabot sa edad ng pagreretiro.
Itinuro naman ni Lacson na ang special session ng CA ay pagpapatuloy lamang ng unang regular na sesyon at hindi maituturing na isang bagong regular na sesyon, taliwas sa iginigiit ni Marcoleta.
Naalala rin ni Lacson na nang kausapin ni Sen. Juan Miguel Zubiri si Marcoleta upang kumbinsihin itong bawiin ang kanyang pagtutol, sinabi ni Marcoleta na hindi siya tututol kung babawiin ni Lacson ang kanyang manifestation.
Sinabi rin ni Lacson na bagama’t nababahala siya na baka gamitin ni Marcoleta ang Section 20, na nagpapahintulot sa isang miyembro ng CA na mag-isang magpatigil sa pagtalakay o kumpirmasyon ng isang nominado o appointee, lumabas sa pagsusuri ng mga tuntunin ng CA na hindi maaaring gamitin ang naturang probisyon sa huling araw ng sesyon.
“Sabi ko, e go na tayo, tuloy na natin ito. Siguro napagtanton niya rin na hindi uubra ang Section 20, hindi na rin siya nag-object, nag-manifest siya pa nga na support,” aniya.
“Pero bakit mong guluhin? E, minamadali na nga, ala-una pasado na, hindi pa kami lunch. Kasi nakita ko nag lunch na siya sa lounge eh, busog na siya,” dagdag niya.
*****

