Lacson Scores ‘Coffee Tax’ as Anti-Poor

Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Saturday criticized a proposal to tax coffee products, saying it could make life even more difficult for Filipinos whose breakfast consists of nothing more than pandesal and coffee.

Lacson said he and his fellow senators share the view that the proposal, raised during a House committee hearing earlier this week, could burden poor Filipinos.

In Filipino: Lacson, Tinawag na Anti-Poor ang Panukalang ‘Coffee Tax’

“Halos nagkakaisa ang sentimyento ng senador diyan na parang napaka-anti-poor kasi ang mga kababayan natin, lalo sa malayong lugar sa bukid, talagang halos ang iba kahit pandesal na lang ang kinakain (We in the Senate are almost one in considering the coffee tax as anti-poor. Many Filipinos especially in rural areas have only coffee and pandesal for breakfast),” he said in an interview on DZRH radio.

“So para pang-almusal, para buwisan na pa natin ang kape, parang anti-poor (So for the government to potentially tax even coffee, that is anti-poor),” he added.

In December 2025, Lacson filed Senate Bill 1556 establishing a Philippine national coffee industry development program to help Filipino coffee growers amid imports and limited support from the Philippine government.

The bill also proposes the creation of a Philippine Coffee Board and comprehensive support mechanisms for the coffee sector. It was referred to the Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Skip to PDF content

A suggestion to tax coffee products surfaced during a House committee hearing looking into a proposal to impose additional taxes on alcohol pops. House ways and means committee chairman Rep. Miro Quimbo was quoted as saying “let’s not go there.”

*****

Lacson, Tinawag na Anti-Poor ang Panukalang ‘Coffee Tax’

Binatikos ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado ang panukalang buwisan ang mga produktong kape, dahil lalo nitong pabibigatin ang buhay ng mga Pilipinong kape at pandesal lamang ang laman ng almusal.

Ayon kay Lacson, halos nagkakaisa ang kanyang mga kapwa senador sa pananaw na maaaring makadagdag sa pasanin ng mahihirap ang panukala, na natalakay sa isang pagdinig ng komite sa Kamara.

“Halos nagkakaisa ang sentimyento ng senador diyan na parang napaka-anti-poor kasi ang mga kababayan natin, lalo sa malayong lugar sa bukid, talagang halos ang iba kahit pandesal na lang ang kinakain,” aniya sa panayam ng DZRH radio.

“So para pang-almusal, para buwisan na pa natin ang kape, parang anti-poor,” dagdag niya.

Noong Disyembre 2025, inihain ni Lacson ang Senate Bill No. 1556 na naglalayong magtatag ng pambansang programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng kape upang matulungan ang mga lokal na magkakape sa gitna ng pagdami ng inaangkat na kape at limitadong suporta mula sa pamahalaan.

Iminumungkahi rin ng panukalang batas ang paglikha ng Philippine Coffee Board at ang pagbibigay ng komprehensibong suporta sa sektor ng kape. Ini-refer ito sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Nabanggit ang mungkahing buwisan ang mga produktong kape sa isang pagdinig ng komite sa Kamara hinggil sa panukalang dagdagan ang buwis sa mga inuming tinatawag na alcohol pops.

Ayon sa ulat, sinabi ni House Ways and Means Committee chairman Rep. Miro Quimbo na, “let’s not go there.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.