Bukas man sa pagtanggap ng endorsements kung sakaling ialok ito sa kanila, binigyang diin ng tambalang Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi sila maghahabol ng endorsements mula sa mga kilalang personalidad sa pulitika.
Sinabi nila nitong Biyernes na patuloy silang mangangampanya base sa kanilang kakayahan at karanasan at sa mga panukalang solusyon nila sa mga problema ng bansa.
“All endorsements are welcome, but we’re not actively seeking it … We’ll not resort to that but any endorsement is an addition, whether from the lowest barangay official all the way to the President,” ani Lacson, na kasalukuyang tumatakbo bilang presidential candidate sa ilalim ng Partido Reporma, sa isang presscon sa Cebu City nitong Biyernes, matapos nilang pangunahan ni Sotto ang blessing at inagurasyon ng kanilang campaign headquarters.
Related: Lacson-Sotto Will Not Chase ‘Endorsements’
Continue reading “Lacson-Sotto, Di Maghahabol ng ‘Endorsements’”