Lacson-Sotto, Di Maghahabol ng ‘Endorsements’

Bukas man sa pagtanggap ng endorsements kung sakaling ialok ito sa kanila, binigyang diin ng tambalang Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi sila maghahabol ng endorsements mula sa mga kilalang personalidad sa pulitika.

Sinabi nila nitong Biyernes na patuloy silang mangangampanya base sa kanilang kakayahan at karanasan at sa mga panukalang solusyon nila sa mga problema ng bansa.

“All endorsements are welcome, but we’re not actively seeking it … We’ll not resort to that but any endorsement is an addition, whether from the lowest barangay official all the way to the President,” ani Lacson, na kasalukuyang tumatakbo bilang presidential candidate sa ilalim ng Partido Reporma, sa isang presscon sa Cebu City nitong Biyernes, matapos nilang pangunahan ni Sotto ang blessing at inagurasyon ng kanilang campaign headquarters.

Related: Lacson-Sotto Will Not Chase ‘Endorsements’

“Kagawian namin ni Senate President Sotto to do it on our own efforts. Kaya naman namin talaga, may public service record kami. Bonus na ang endorsement but we’d rather stand on our own feet,” dagdag ni Lacson na iginiit ang kahalagaan ng “self-respect and dignity.”

Para naman kay Sotto, bagama’t bukas sila sa anumang endorsement, pinakamahalaga pa rin ang boto ng taumbayan.

“Endorsements are good but we need votes,” aniya.

Inihalintulad ni Lacson ang endorsement sa respeto na dapat na anihin sa halip na hingin. “Respect is something you cannot demand. You should earn it,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni Lacson na naghahanap sila ng may katulad nila na hangarin para labanan ang korapsyon. Ito aniya ang mahalagang katangian na hinahanap nila sa kanilang senatorial slate.

“Like-mindedness, most especially sa anti-corruption, yan ang aming primary factor. In my experience if we solve corruption in this country, at least 50% of our problems will be solved,” paliwanang ni Lacson.

“These are tough times. We need tough solutions coming from tough leaders. Kami ang (SP Sotto and I are the) tough leaders,” dagdag nito.

*****