Patuloy na nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina independent presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson at ka-tandem nito na si Senate President Tito Sotto ang mga miyembro ng Partido Reporma sa Aklan at Antique sa kabila ng pagbitiw ni Lacson sa partido bilang Chairman noong nakaraang Marso.
Nakipagpulong si Lacson kasama ang mga miyembro ng dati niyang partido nitong Martes ng gabi matapos ang ginanap na town hall session sa Kalibo, Aklan. Ayon sa independent presidential candidate, ang mga miyembro ng Reporma ang nag-organisa ng naturang meeting.
“Kaya kami pumunta ng Aklan and Caluya, meron kaming candidates doon, nag-request sila kung pwedeng puntahan ko sila. Ang Reporma (members), they continue to support me. Sabi nila kaya kami nag-Reporma because of you,” ani Lacson.
Related: Reporma Members in Aklan, Antique Throw Support Behind Lacson-Sotto
Continue reading “Mga Miyembro ng Reporma sa Aklan, Antique, Nagpahayag ng Suporta sa Lacson-Sotto Tandem”