
Fake news ang ipinapakalat na balitang tinapyasan ang pondo para sa pensyon ng beterano sa 2019 budget, kung saan isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang P15,000 na karagdagang benepisyo kada beterano.
Ito ay binigyang-diin ni Lacson bilang tugon sa mga kongresistang nagsasabing nahagip ng ginawang pagtapyas ng Senado sa 2019 budget ang pondo para sa pensiyon ng mga beterano.
Una nang natukoy sa mga ulat na binanggit ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. na maraming pondo na ginalaw ang Senado sa 2019 budget at tinamaan umano ang Pension and Gratuity Fund para sa mga beterano.
Dahil dito, nakakatanggap na ng tawag ang tanggapan ni Lacson mula sa mga nagtatanong kung totoong isinulong niya ang pagtapyas sa pondo para sa kanilang pensyon.
Related: Beware of Fake News! Lacson Assures No Cut in Pension
Continue reading “Fake News, Ibasura! Ping: Pinadagdagan Ko ang Pondo Para sa mga Beterano sa 2019 Badyet, Hindi Pinakaltasan”