In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answers questions on the delay in the passage of the P3.757-trillion budget for 2019, including the following issues:
– presidential line-veto of the 2019 budget
– need for sanctions on violations of SC rulings
– possible stalemate on the budget
Quotes from the interview…
On the continued delay in the passage of the 2019 budget:
“Yan nga ang pinagtataka rin ng mga senador kung bakit after maratipikahan ang bicam report kasi pirmahan ng member at babalik kami sa kanya-kanyang chambers at raratipikahin ito sa plenaryo. So ang dapat susunod doon give or take 10 days imprentahan ang budget books at pipirmahan ng Speaker at SP ang enrolled bill at ipapadala na sa Malacanang.”
“So kung Feb 8 namin yan na-ratify bago kami nag-break dapat by now dapat napirmahan na ng presidente of course with the accompanying veto message kasi pag revenue measure at appropriations bill, authorized naman ang presidente under the Constitution na magsagawa ng line-item veto. Pagka ibang bills parang lahatan, either i-veto ang buong measure di na pwede galawin ng pangulo ang nilalaman, either i-veto niya o aprubahan niya. Pag di naaprubahan, within 30 days magla-lapse into law. Pero pagka budget o revenue measure parang may amendment authority siya sa items na nakapaloob sa budget measure.”
On a presidential line-veto of the budget:
“Yan ang panawagan ko. Talagang mukhang di paaawat ang HOR kung hindi isingit ang individual insertion na ginawa kasi nagawa na nila ito after ma-pass nila on 2nd reading tapos nagpalit ng liderato.”
“Ang pinakamagandang solution at isa-suggest ko mamaya sa meeting namin, kung ano ang naratipikahan namin sa bicameral conference committee report, as is imprenta natin, at pirmahin as an enrolled bill at bahala ang pangulo, kasi makita niya lump sum ang sabi ni Rep Andaya wala kaming binabago, ina-itemize lang namin. Ibig sabihn pala ang inaprubhan naming bicam report, lump sum. Pork din yan kasi sabi sa SC bawal ang lump sum.”
“Para di kami mag-violate na Constitution sa wala nang ia-allow na amendment after ng last reading ng bill, ang pinakamagandang gawin, as is, kung anong ratified naming bicam report i-submit sa pangulo at bahala ang pangulo maghanap ano ang lump sum appropriations kasi hindi kami papayag na i-itemize lang ngayon. So huwag na itemize, bahala na lump sum yan at bahala ang Malacanang hanapin saan ang lump sum at madaling makita yan at i-veto niya o kaya ibalik niya halimbawa sa NEP o kaya Senate version na may items doon ang 11B na yan i-redistribute niya pag line item veto niya sa mga kinauukulang ahensya o kaya sa DOH paggawa ng facilities pwede gawin ng pangulo yan, o DOH meron dito extra naka-lump sum na 11B, submit kayo ng pangangailangan nyo. Pwede gawin ng pangulo yan dahil authority niya under the Constitution mag-line item veto. So yan ang pinakamagandang solution.”
On need for sanctions vs violators of Supreme Court rulings:
“Ang masama rin kasi, di naman masama pero ito siguro ang pagkukulang din, kasi pag nagkakaroon ng jurisprudence, nagkaroon ng ng SC ruling, dapat sana and kung pwede ko suggest ito sa kakilala natin doon, baka pwede mag-adopt sila ng en banc resolution na pag may ruling kung ito naaayon sa kanilang rules of court.”
“Kung halimbawa nagkaroon ng ruling na maliwanag at may mga taong di sumusunod at obviously vina-violate ng SC ruling which by the way pagka nagkaroon ng SC ruling that becomes part of the law of the land. Sinabi bawal ang pork ito definition ng pork violate mo di ba mas maganda sana kung may direct sanction na pwede gawin ng SC like citation for contempt. Of course may due process yan, may mag-file ng petition o complaint na ito nakita namin ito ebidensya, may kongresista viniolate ang ruling ninyo. Pagkatapos madinig ng SC pwede silang mag-impose ng sanction sana. Contempt ka kasi may ruling noong 2013 maliwanag violate mo, pagmumultahin kita ng ilang milyon o kulong kita maski 10 araw. Kung ganoon matatakot ang congressman mga senador na parang tahasan o lantaran vina-violate ang ruling.”
“Ang problema kasi ang kalakaran pag may nag-violate ng SC ruling dadaan na naman ito may petition na naman to question those specific acts na ginawa ng legislator na na-violate ang ruling at ganoon na naman. Mag-rule ang SC unconstitutional ang specific act na ginawa ni Congressman X sa pag-violate. So panibagong ruling na naman. So walang katapusan ito. Ma-encourage ang legislators at very tedious yang mag-file ka ng petition sa SC e di naman basta-basta rin kasi kung magtawag ng oral arguments ang mga abogado magde-defend na naman doon. So ganoon sana ang maging bagong panuntunan na pag maliwanag pag may nakitang may dumulog sa SC na maliwanag na violation, sana may sanction na direktamente galing SC.”
On what happens in case of a stalemate on the budget:
“E di reenacted tayo till Kingdom come.”
“Ang problema pag na-twist na ang context ng pinaguusapang issue baka sa bandang dulo ako ang kontrabida. ‘Kaya na-reenact yan kasi ginulo ni Lacson.’ Yan ang malungkot.”
*****