Interview on DZBB: ‘…Sa ngalan ng pork barrel’ | March 10, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson discloses how a whopping P95 billion of the DPWH’s 2019 budget was manipulated for pork. Other topics in the interview:
– Senate’s stand on not signing the ‘manipulated’ budget bill
– investigation of former PCSO GM Balutan

“Sabihin ko na tahasan. Ginulo ng House of Representatives kasi ayaw nila sumunod sa Constitution. Ayaw nila sumunod sa legislative process na tama. Sa ngalan ng pork barrel.”

Other quotes from the interview…

On the status of the 2019 budget:

“Medyo nasa pag-uusap pa kasi talagang titigasan ng Senado na kung hindi ang napagusapan sa BCC ang pipirmahan as an enrolled bill hindi yan pipirmahan ni SP Sotto. And for good reason kasi maliwanag ang sinasaad sa ating Constitution na pagka natapos ang last reading ng isang bill, wala na talagang amendment na pwede ipasok. Ito di lang last reading o 3rd reading, BCC report na na-ratify na ng both houses.”

“Kinausap din namin si (DOF) Sec. Dominguez para tungkol sa maging epekto sa ekonomiya ng PH kung magiging reenacted budget. Kasi all indications point to the country having a reenacted budget at least hanggang Agosto.”

“Magre-resume ang Senado bagong Congress, 3rd week of July pag nag-deliver ng SONA ang Pangulo. So parang pinaghahanda na namin hanggang nariyan si SGMA at kung titigasan nila ang kanilang ginawa na ginalaw nila ang napagkaisahan sa BCC at babaguhin pa nila, hindi pipirma si SP kaya walang magiging enrolled bill.”

On the effects of a reenacted budget:

“At least hanggang Agosto (ang pwedeng effectivity ng reenacted budget). Ang tinanong namin kay Sec. Dominguez kahapon sa teleconference, tanong namin kasi concerned din siyempre kami, sabi niya sa mga 1.5% ng GDP ang ibababa. He talked about mga estimate niya ito pero sabi niya sa Lunes submit niya ang more or less accurate sa kanilang pagkukuwenta. Sinasabi niya rito ang impact kung reenacted budget, nasa P500M a day ang negative effect sa ating ekonomiya. So kino-consider rin namin yan. Pero ang bottom line, hindi kami talaga bibigay sa pipirma ang SP na mapapahamak siya. Kasi pag nagpirma ang SP at Speaker sine-certify nila na dumaan ito sa tamang legislative process.”

On how much of the budget the House leadership manipulated:

“Yung tinatawag na MFO 1 and MFO 2, ang Major Final Output, ito ang pinaghandaan ng DPWH, pinaghandaan ito ng lahat na ahensya pero limit natin ang paguusap namin sa DPWH budget… Ang ginawa ng HOR, ang MFO 1, MFO 2, ito pinagplanuhan at pinaghandaan ito ang asset preservation program ng DPWH, ang network development nila, foreign assisted projects, malaki yan. Cut ng HOR ng P72B napakalaki noon. Madidiskaril ang pinagplanuhan ng national government, at least ng executive department o DPWH. Cut ito, ha. P72.3 billion ang nagalaw.”

“Pinagplanuhan ng department, P72.3B. Pero ang net increase ng local infrastructure program under DPWH, ito in-identify ng legislators, P95B. Yan ang bumukol, pinakialaman ng legislators.”

“Kasama sa Senate naglagay ito umabot ng P95.1B. Ang masama rito ang P70B sa P95B, parked ito sa central office ng DPWH pero ang legislators nag-identify nito. Bakit hindi ito nilagay sa district engineering office? Madali i-trace eh… alam mo agad kung saang distrito. Nilagak nila ito, i-park sa central office (para) maaring ako o senador na iba o kasamahan (namin) pahihirapan nila (sa pag-trace).”

“Kaya hagilapin pero very tedious P20B at wala na masyadong time ang LBRMO mag-analyze kaya hindi nakasama sa report sa amin kahapon. Yan ang ginawang paggalaw sa DPWH budget. Ang pinakamasama rito, ang cut nilang P72B, ito ang talagang mahabang pagpaplano mahabang usapan. Ito ang major final output ng ahensya.”

“Hindi lang isang taon o ilang buwan. Siguro mahabang panahon pinagaralan nila ito, kasi ang iba rito continuing. Parang magpagawa tayo sa isang probinsya o region ito ang pang-development natin sa infrastructure. Napakalaking ginalaw, P72B. Cut at nilipat at nasama sa P95B naman na kanilang in-identify. Sila-sila na lang yan. Yan ang malungkot, yan ang sinasabi nating maliwanag na pork. It’s bad enough na hindi consult o hindi kasama sa pagpaplano ng DPWH wala talagang consultation kasi pinakialaman basta nang ganoon, pagdaan sa Kongreso o HOR o Senate. At whimsically, arbitrarily, ito gusto naming project.”

“Sila nagkaroon na ng control. Papagawa ko ang tulay na ito. Mabuti naagapan namin yan, ang dredging desilting deepening nabura yan. Imagine kung may desilting o dredging programs katakot-takot ang mawawalang pera. So yan ang isang issue. Sabi ni SP, base na rin sa report ng LBRMO, yan ang kumbaga sa isang bahay, walang dinagdag na di ginawa ang pader para madagdagan ang espasyo ng bahay pero ang furniture sa loob iniba-iba. Iba-ibang distrito, I can surmise ginawa nila sa DOH, mas malaki ang binigay na pondo sa mga bumoto sa kanya.”

“Ang sinabi kong nai-park sa central office, out of the P95B na identified ng legislators at kinaltas ang P72B sa MFO1, MFO2 ng DPWH, ang P70B yan ang nilagak sa central office. Ang difference na P20+ billion hindi naalis sa DEO. Pero masama pa rin kasi sila pa rin nag-identify.”

“Ang paggalaw na binago-bago ang distribution sa mga distrito sa regions, nangyari after the bicam. Yan ang masama. Wala nang galawan. Constitution yan, Art 6 Sec 26 Par 2, ‘upon the last reading of a bill, no further amendment shall be allowed.’ Yan ang sabi ng Constitution so wala na talagang galawan. Kaya position ng Senado ang nangyari rito nilabas na lump sum yan kasi nang naratipikahan ang bicam report may lump sum kasi di pa itemized.”

“Halimbawa DOH budget, ang HFEP from P4B lumobo ng P15.1B pagdating sa bicam. Okay pa rin yan, that’s within the legislative process. Pero walang description kung ano ang P15.1B HFEP items. Naabala na naman nang tanong ko LBRMO bakit hanggang ngayon hindi pa nagta-transmit ang HOR. Sabi nila nakiusap ang HOR huwag muna enrolled bill huwag i-final kasi ina-itemize pa nila. Ito ang pinagmamalaki ni Rep Andaya na for transparency itemize namin kaya lumabas ang usapin na ina-itemize nga kaya lang sila na nag-determine, ikaw 25M ka kasi bumoto ka, ikaw 8M ka lang kasi di ka bumoto.”

“Di na pwede (ang pag-itemize after ratification) kasi gagalawin mo na ang bicam report. So ang Senate position, okay, masama na nga ang kinalabasan ng bicam kasi may lump sum. Pero wala na sa ating poder kasi ratified ang bicam report wala na sa poder natin para magbago pa noon. Ipadala namin sa Malacanang maski may lump sum doon bahala ang Pangulo na i-line item veto, tanggalin niya ang lump sum, halimbawa P15.1B or a little less. Tanggalin yan at i-itemize ng Malacanang kasi allowed ang Pangulo. Pero HOR or Senado di kami allowed baguhin pa ang ratified bicam report.”

On possibility the budgets of other agencies may have been tampered with:

“Siguradong meron pa rin yan pero di pa nararating, siguradong meron kasi pakikialaman nila.”

On possible agenda of SGMA and House leadership:

“Siya lang makakasagot niyan kasi kung ako sasagot mag-speculate lang ako. Basta ako, let’s stick to facts. Nagulat ako kahapon sa report ng LBRMO na bukod pala sa P2.4B sa 2nd legislative district nadagdagan pa pala ng P2.1B. Walang detalye pero sinabi lang sa akin. Sabi niya baka magulat ka senator ang sabi nyo P2.4B na napunta sa 2nd legislative district ng Pampanga may nadagdag na another P2.1B.”

“Basta kami nagkasundo-sundo kami minabuti namin isama sa mini-caucus kahapon si Senate minority leader FMD, tutal same page naman kami, nagkukwestyon din siya nag-scrutinize din siya. Isa ang direction namin, sabi ko kay SP at Sen Legarda imbitahin natin si FMD nang sa ganoon represented sa ating gagawing position ng Senado ang minority bloc. Kaya kami nagkasundo kami. And I think I can speak for all the senators na we stand four square behind our SP on this particular issue na di siya pipirma kung may babaguhin doon sa BCC report.”

“Kung mag-iimprenta sila, kasi sila nagpi-print niyan, at pinadala kay SP hindi niya pipirmahan. Kung ipapadala ni SGMA ang pinirmahan niya na, ito Tito napirmahan ko ito pirmahan mo na lang para enrolled bill na, magkakaroon ng kaso si SGMA. Sinasabi ko na falsification of the records ng legislative process. Public document yan eh.”

“Ipapahamak namin ang SP namin pag pinayagan naming pirmahan niya yan, di yan ang naaprubahan sa plenaryo. Remember wala naman sole authority or power ang SP or HOR Speaker na basta na lang niya pirmahan nang walang pahintulot kasi collegial kami. Nirerepresenta niya lang ang Senado. Pag di siya kumonsulta sa amin halimbawa at mabuti si SP nagkonsulta na anong gagawin namin dito. Ito ang implication pag pinirmahan. It will be tantamount to granting the SP a veto power sa budget na na-approve sa plenary. Wala siyang veto power, President lang may veto power. Deliberating body kami, wala sa amin na may veto power except ang CA na may Sec 20 may veto power ang bawa’t isang individual member. Pero pagdating sa plenaryo deliberation ng measures, panukalang batas wala isang senador o kongresista, not even the HOR Speaker or the SP ang may veto power. Kasi deliberative body kami, collegial body kami pinagbobotohan namin lagi yan at kung ano ma-carry ng majority ng mayorya yan lang pwede i-adopt ng SP or Speaker of the HOR.”

“Ngayon kung magkatigasan maghintay na lang tayo na hanggang July kasi hanggang June 30 si SGMA, and hopefully ang papalit na liderato, magpapalit ng leadership pag nag-open ang bagong Kongreso, 3rd week of July, yan ang SONA. So magbobotohan ng bagong Speaker. At kung ang bagong Speaker naintindihan niya o medyo iba o maayos ang takbo ng isip niya dahil di pwede pirmahan, magkakaroon tayo ng budget.”

On the effect of a reenacted budget on infrastructure projects:

“Meron doong mga MYOA, multi-year obligation authority kung saan halimbawa general description construction ng tulay hindi kaya ng 1 taon minsan dahil mahaba o kumplikado, yan talaga binibigyan ng MYOA na pwede obligate sa susunod pang taon. Pero kung halimbawa description ng isang proyekto infrastructure, repair ng kalsada from Km 18 to Km 30 at natapos na yan, di na pwedeng gumalaw ng pondo doon sa reenacted budget dahil tapos na yan. Panibagong item na yan. Yan ang tatamaan.”

“At yan ang mga item na ganoong description yan ang sabi ni SOF Dominguez, nakwenta nila raw estimate nila sa ngayon, ang effect nito is mga P500M per day. Ang tatami sa GDP kasama estimate parang 1.5%, nasa 6% tayo ngayon. Pag nabawasan ng 1.5, 4.5% ang GDP growth natin.”

On waiting for the change in HOR leadership:

“First day nagbobotohan na yan. Maski June 30 tapos na ang term ng Speaker ng HOR tapos na rin ang term ni approp chairman Andaya kasi tumatakbo siyang governor, iba na liderato roon. Walang galawan pa rin kasi walang session, hindi pa nag-open ang 1st regular session ng 18th Congress. Walang mangyayari.”

“Kung ayaw pumirma ni SGMA sa gusto namin na walang gagalawin sa BCC at yan naman ang tama sabi ko naman four square kami behind kay SP Sotto for one simple reason, yan ang tama eh. Kung may mali roon di kami magkakaisa na suportahan si SP. Kasi alam namin yan ang absolutely na tamang gawin kaya lahat kami susuporta sa kanya. So maghintay tayo ng bagong counterpart. I don’t see any change sa Senate leadership after elections. Di namin nakikita yan.”

On supplemental budget for funding of some projects:

“Para makahabol tayo sa 2nd semester, mag-supplemental budget. Ang hindi nagalaw pwede natin ipagalaw by way of a supplemental budget.”

“Halimbawa ang di nila kaya abutin, mag-ano na lang. May remedyo kaya lang nagulo ang … Sabihin ko na tahasan. Ginulo ng HOR kasi ayaw nila sumunod sa Constitution. Ayaw nila sumunod sa legislative process na tama. Sa ngalan ng pork barrel. Imagine P95B ang in-identify nila basta. Samantalang may nakasaad sa NEP ito pinag-aralan ito ng DPWH, ang sabi ko kanina. Ang cut nila P72B ang cut ng HOR. Di pa yan, ang ibang hindi na-cut, binulabog ang kasangkapan, mga mwebles. Kasi halimbawa naplano ng DPWH ang district na ganito ito ang papagawa natin, itong region na ito, ginalaw nila, nilipat ang distrito. Nadiskaril ang planning.”

On Malacanang ‘intervention’ in the budget row:

“Yan ang sanang dapat mangyari. Medyo mag-referee ang Malacanang, ang Chief Executive who is the President, tawagan si SP Sotto pero nagkausap sila sa state dinner kay PM Mahathir, sabi niya nagkita sila ni PRRD. Sabi sa kanya diskartehan mo yan kung ano ang tama gawin mo. Sabi niya di siya nag-aalala baka magtampo Malacanang sa kanya dahil ayaw niya pumirma. Naintindihan daw clearly ni PRRD bakit di siya pipirma. At short of saying na ang Malacanang is on our side on this issue because kami ang tama. Hindi dahil sa kami ang Senado o si SP malapit kay PRRD hindi sa ano pa man kundi kaya kasama namin ang Malacanang kasi tama ang position namin at mali ang HOR. Constitution pinaguusapan, di ito parang consensus, di pwedeng gamtin ang consensus. Walang ibang choice. Sinabi namin kay SP, wala tayong choice ito. Constitution ang kalaban natin, Saligang Batas, fundamental law of the land.”

“Kasi sabi ni PRRD ginagalang niya ang separation of powers. Di siya nakikialam, na-experience na namin di lang sa ngayon. Noong nakaraan bihirang bihira siya, nakiusap lang siya noon na kung pwede pagtuunan namin ng pansin ang BOL. Yun lang. Pero ang iba pati sa CA, never talaga siyang nakiusap sa amin baka pwedeng i-confirm ito, walang ganoon. Ito personal experience ko kasi harap-harapan pagka kapulong namin ang Pangulo at pinagusapan ang mga ganyang bagay na pwede siya manghimasok at sino ba naman ang hindi kung kaya pagbigyan, di ba maski papano pagbibigyan mo ang pangulo? Pero ever siya nakiusap, kaya … ni SP. Noon din sabi niya gusto niya makipag-ano sa Malacanang kailangan nya para huwag reenactment. Pero para pilipitin ang braso ni SP o sino man, hindi niya ugali yan.”

“We will encourage the President na kung pwedeng mag-arbitrate siya rito o makialam, tawagan si SGMA o kausapin niya baka pwede. Pero alam mo parang patigasan na ito. May information ako may mga Cabinet secretaries nakiusap na rin sa kanya noon kung pwede madaliin ang budget. pero wala. Talagang nananaig ang pork eh.”

On speculations SGMA and allies want to be in economic team:

“May mga balitang ganoon pero wala na, siguro medyo malabo yan kung totoo man meron silang pagpaplano o may scheme na ganoon na i-control ang economic team, si SBM Diokno napunta na, naging BSP Governor na. Alam ko may tinutulak si SGMA para roon. E wala na yan. Tapos ang isang kumpirmadong base sa pakikipagusap namin sa economic managers, members ng economic team, nag-aambisyon sa NEDA na malapit kay SGMA. Pero di rin nangyari. So mukhang, baka abandon na nila yan. Kasi alam mo medyo dangerous yan sakaling makalusot ang ganoong scheme. Papasok na ang Presidente sa last 3 years ng term niya. Normally and almost always, ang perception ng tao o maski sa gobyerno sa Pangulo pagdating ng last 2-3 years lame duck. Pag na-control pa ng may sariling agenda ang economic team, they can practically control or influence the President. Pati ibang ahensya, pati ang security cluster lahat yan, pwedeng kontrolin. Pag economic team napakaimportante ng economic team ng pangulo kasi ang ekonomiya yan ang bumubuhay sa ating lahat. Kung economic team ng Pangulo di talaga sa kanya, sa halip na siya ang may control, e the other way around, napakapanganib di lang sa pangulo kundi sa buong bansa. I don’t think mangyayari yan kasi may changes na at hindi na, sabihin natin na kung totoo man yan, hindi sila naka-first base.”

On ‘delayed’ pay hikes for policemen, soldiers and govt workers in the 2019 budget:

“Sa tingin ko pwede pa ma-implement yan kasi malaki pa ang pondo ng MPBF, Miscellaneous Personnel Benefit Fund. Ang huling kwenta namin sa P43B pa yan. So kung talagang gusto ipatupad, kaya ipatupad. Pero siyempre wala pang jurisprudence na maliwanag tungkol diyan. Ayaw ng DBM na mag-risk. Nagiingat din. Kaya importante na hintayin ma-enact ang budget ng 2019 para wala nang question. Pero wala ring problema yan, parang forced saving ng AFP. Pagbigay ng back pay pag nag-retroactive yan malaki ang makukuha. Di mababawasan yan kasi may batas, Joint Resolution 1 na pinasa ni Sen Honasan ang pag-increase ng salaries.”

On claims of a beef with SGMA:

“Yan na nga minsan ang binabato. Nakakapansin ako parang pare-pareho nga ang mga salitang ginagamit minsan ng mga kolumnista, parang sinasabi nila ang sa akin daw na amendments, ano yan, institutional insertions. Parang mga ganoon. O kaya individual insertion na ako raw may pork. Ako naman di tumatalab sa akin yan kasi alam ko naman ano ang totoo at ano ang hindi. Sa amin ni SGMA, I already have made peace with her. Tapos na yan kasi kung babalikan ko yan magsisikip pa dibdib ko. Ako forgiving ako kaya lang nagkataon lang na may issue tungkol sa budget na kinapalooban niya.”

“Kung nagkataon di siya ang Speaker at ganyan din ang issue, i-raise ko rin ang issue. It doesn’t matter. It is just incidental siya ang Speaker ngayon. Panahon ni Speaker Alvarez question ko rin ang pork eh. Ganoon din ang, nagbago ba ang position ko pagdating sa pork barrel? Di naman eh.”

“Kaya sabi ko simula pa noong question ko ang pork maski di pa declared unconstitutional, ready ako to lose some friends and create more enemies. Sinabi ko na ito, handa naman ako. Minsan may nagtatampo sa aking mga kaibigan at meron din bagong kaaway na lumalabas, wala akong magagawa, natayuan ko na ito, tatayuin ko na ito dahil advocacy eh. Ito pinakamalaki kong advocacy, ang pork barrel. Di ba maintain ko lagi ito na ang lifeblood ng buong bansa. Tapos pag pinabayaan natin ang national budget na salaulain parang lahat tayo ang tatamaan eh. Di na tayo makaahon sa pagiging Third World, naiwan na tayo ng naiwan. Bakit? Corruption eh.”

On PCSO GM Balutan’s dismissal:

“On the part of Malacanang, dahil in-announce nila na sinibak dahil sa serious allegation of corruption, dapat meron silang detalye. At dapat ituloy-tuloy, follow through nila sa pamamagitan ng isang investigation. Imbestigahan kung anong mga allegation na sinasabing serious allegations of corruption nang sa ganoon may logical conclusion. On the part ni dating GM Balutan, magbigay din siya ng detalye. Anong sinabi niyang di masikmurahan? Sino namwersa sa kanya na gumawa ng sa tingin niya di tama? E wala siyang detalye, Malacanang walang detalye. Si GM Balutan walang detalye, sabi lang niya importante sa kanya ang integridad na di ma-stomach. May insinuate pero wala siyang detalye. I hope one of these days he will come up with details. Kaya nga ini-insist ko rin dahil di pa nasarahan ang investigation namin noon sa anomaly sa STL isip ko makapag-schedule kami ng isa pang pagdinig kasi related din. Wala pang committee report yan so yan ang iniisip kong gawin, isinasangguni ko muna sa kasamahan ko kung okay na. Chairman ako ng Games Committee pero di ako committee mismo so kailangan ikonsulta ko ito sa mga member ng committee.”

“Noong 2005 nagimbestiga kami ng vote-rigging sa Mindanao. Lumabas si Gen Gudani. Ako noon, si Gen Balutan he was a Lt Col at the time, he struck me as a courageous, incorruptible warrior na talagang willing i-risk ang kanyang career o maski security ng pamilya niya to stand up for the truth. Kasi noon talagang sinamahan niya si Gen Gudani di niya hiniwalayan at sinabi niya totoo ang influence sa kanila. Imagine at the time 2005, EO 464 ayaw sila pag-testify-in. So talagang sobrang saludo. And emulated talaga siya parang kami halos lahat kaming PMAers lalo nagkaroon ng pagdinig sa STL operations, parang iba tingin ko sa kanya. Demeanor niya pati pananalita niya lalo nang lumabas ang issue na napaka-lavish ng Christmas party, P6M ang ginastos, nangatwiran siya P10M ang estimate, nakatawad pa kami. Sabi ko sa kanya it doesn’t matter kung 10, 6 or 3M. Ang PCSO, yung very nature of your existence, charity eh. Charity ang mandate nyo tapos nakikita ng kababayan natin sa hotel kayo. Di ba parang mali? So doon mo makikita. Kaya sabi ko I think si President Lincoln ang nagsabi, the real test of a man’s character is power, not adversity. Yan ang naisip ko tuloy suddenly yan ang naisip ko kasi noong he was facing so much adversity akala mo yan ang test ng character. Grabe ang adversity na hinaharap niya noon pero tinayuan niya. Pero nang lumabas sa PCSO naman hindi adversity ang test ng character, kundi power. Bigyan mo ng power doon mo makilala ang character.”

“It works both ways. Kasuhan ng Malacanang para makita ang details. Si Gen Balutan naman sabihin nya ang sino nag-pressure sa iyo, taga-Malacanang ba o taga-Congress ba? Magbigay siya ng details kasi ayaw niya rin magbigay ng detalye, sinasabi lang niya I cannot stomach, kausap ko ang mga empleyado hanggang dito lang ako pag may nagpwersa sa akin mag-resign ako. Unang dapat i-resolve diyan, siya ba talaga nag-resign o pinag-resign? Ang balita namin tinawag siya sa Malacanang at sinabihan siyang mag-resign ka.”

“Sabi naman niya humihingi siya impartial investigation. I supposed what he meant by that is kasama ang investigation ng Senado para maliwanagan din. Of course in aid of legislation. Pero tamang tama may pending na bill na ia-amend ang charter kasi napakatanda na ng charter ng PCSO, out of date na masyado, di na applicable ang ibang nakasaad doon na mga provision. So titingnan ko mag-consult ako sa kasamahan ko, kung okay makapag-schedule ako ng hearing next week resume namin ang nakatenggang pagdinig, tatawag ako ng pagdinig.”

“Iimbitahin talaga namin siya. Kung talagang totoo ang sinasabi niya di lang willing kundi nakikiusap siya magkaroon ng investigation, ito na yan. Tatawag namn siya, siguro tatawag kami ng ibang empleyado ng PCSO para malaman ano style ng kanyang pamumuno, intact ba ang kanyang integridad sa pananaw ng empleyado ng PCSO. Ito Dagdag ko. Kausap ko kasi nagkaroon ng hearing Tuesday sa HOR, committee on accounts at committee on games. At may lumabas doon na nakausap ko isang nag-attend sa hearing, congressman ito, Rep. Acop. Sabi niya may dokumento roon na parang kulang na remittance ang STL operators something like P5.5B. Sabi ito inimbestigahan namin, wala kayong magawa parang alipin kayo ng STL operators. Nag-violate na nga, wala kayong magawa, di nyo masusipindi, kaya lang nasuspindi sa Cam Sur dahil ora mismo sabi ko 5 na kayo sa board, mag-decide kayo suspend nyo kasi ang daming violations. May lumabas daw doon daw noong Tuesday may P5.5B na hindi na-remit, ibig sabihin utang ng STL operators sa PCSO at may lumabas na parang resolution o ewan ko kung adopted ng PCSO board, kung saan may plano silang i-condone. Patawad na, ¼ na lang bayaran, ok na, quits na. Anomalya yan. Di raw ma-defend bi Gen Balutan. Yan ang sabi sa HOR. So yan dapat tanungin din yan dahil may dokumentong hawak ang congressmen na nag-conduct ng hearing. Dapat yan mausisa rin. Kasi kung talagang may ganoon, questionable ang kanyang pamamahala bilang GM.”

“Sa PCSO wala halos power ang chairman diyan. Ang pinaka-powerful diyan ang GM. Maski noong panahon ni Gov Maliksi sa PCSO kawawa siya roon. Ang talagang nagpapatakbo riyan, ang nakaka… sa kanilang charter, lahat na poder sa GM.”

On moves to amend and update PCSO charter:

“Sana. Operate like a real board. Parang corporation. Board ang nakakaalam, at ang GM day to day lang. Pero sa PCSO ang pinaka-powerful niyan, ang chairman niya parang helpless.”

“Kasi nga ang balita ng PCSO pag GM ka at least ito noon pa ito matagal na sa PCSO nang nagkaroon ng STL, at least P30M a month ang sa GM. Yan ang nakalagak na pondo galing sa, sino ba STL operators? Di ba mga jueteng lords din yan, sila-sila rin yan. Sila nakakuha ng franchise, di lang pangalan nila nakalagay. May front sila roon. Bakit kaya nila maglagay ng ganoon kalaki sa PCSO? Dahil hindi lahat nire-remit, guerrilla nila, di pinapasok sa PCSO kundi jueteng ang iba. Di naman sila mahuli ng pulis kasi may ID sila ng PCSO kasi legal sila, STL. Pero ang kanilang collection, ang kubrador di lahat pinapasok sa PCSO kundi nagtatabi sa kanilang, parang jueteng.”

On suggested lifestyle checks for PCSO officials:

“Tama. Yan ang information na nagaganoon. Ang liit ng PMRR, ito ang estimate ng PCSO na dapat ang na-remit ng lahat sa buong bansa ng operations. Pero natandaan ko nagkwenta kami short na shoor at ang katwiran ng PCSO nag-increase sila ng collection. Sabi ko increasing the collection is not enough. Dapat i-approximate kung ano kalakaran, ano collection ng jueteng, di ba dapat sabihin natin at least 90% man lang noon pumasok sa PCSO. Ganoon talaga operation nila. May kwenta ako riyan. Ang laki ng araw-araw na collection yung kabuuan, Luzon, Visayas, Mindanao. E hindi nakukuha ng PCSO. Miniscule lang napakaliit ng percentage ng dapat makolekta kaya ang pinagmamalaki ng PCSO nadoble ang collection, nadoble pero di pa rin yan ang dapat na nakukuha ninyo. Yan ang anomalya riyan kasi nato-tolerate, may di man lang na-suspend, may di nakansela ang prangkisa dahil meron ngang umaabot. Hindi ko sinasabing nalagyan si Balutan o nalagyan ang board pero yan ang matagal nang kalakaran.”

On jueteng operations:

“Tuloy. Bilyon isang araw ang koleksyon riyan.”

“The same operator pero sina-sideline ang jueteng. Ang nareremit sa PCSO maswerte kung umabot ng 15-20 percent lang ng collection. Halimbawa magbigay tayo probinsyang malaki, Pangasinan, ang daily collection 4M isang araw o 5M ang pumapasok lang sa PCSO 20% lang ng 5M meaning P1M lang.”

“(Pagkukulang) both kasi ang PNP may chief of police at provincial director meron silang monthly na natatanggap.”

“Ang illegal gambling, parang sa akin side issue yan. Ang mas importanteng issue yung corruption dahil sa illegal gambling. Kasi ako mismo nag-CPNP ako magkano ang para sa CPNP noong panahon namin? P5M eh. Ito matter of record at pwede ko harapin, decline ko yan pero in-offer yan, na wala naman gagawin nakaupo ka lang doon meron kang P5M monthly. Dahil controlled yan, may kargador. Pero kung walang kargador mahina ang P10M a month sa CPNP. May regional director nga ang monthly nila P2M, P1.5M meron ganoon kalalaki.”

“Ang alam kong kalakaran based on personal experience may sinibak ako noon kasi sabi ko no take e nahuli namin ganoon din eh, tumatanggap pala… Kung nag-proliferate ang illegal gambling maski may STL at yan lang pasok sa PCSO, 15-20% na proceeds, may mllagro na nangyayair talaga. Di lang sa PNP kundi PCSO. Bakit di nila ma-compel ang STL operators e sila may control diyan sila nag-issue ng franchise, pwede nila suspindihin? Bakit di suspindi? May milagro nga, yan ang problema.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.