Fake News, Ibasura! Ping: Pinadagdagan Ko ang Pondo Para sa mga Beterano sa 2019 Badyet, Hindi Pinakaltasan

pension
Image: CTTO

Fake news ang ipinapakalat na balitang tinapyasan ang pondo para sa pensyon ng beterano sa 2019 budget, kung saan isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang P15,000 na karagdagang benepisyo kada beterano.

Ito ay binigyang-diin ni Lacson bilang tugon sa mga kongresistang nagsasabing nahagip ng ginawang pagtapyas ng Senado sa 2019 budget ang pondo para sa pensiyon ng mga beterano.

Una nang natukoy sa mga ulat na binanggit ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. na maraming pondo na ginalaw ang Senado sa 2019 budget at tinamaan umano ang Pension and Gratuity Fund para sa mga beterano.

Dahil dito, nakakatanggap na ng tawag ang tanggapan ni Lacson mula sa mga nagtatanong kung totoong isinulong niya ang pagtapyas sa pondo para sa kanilang pensyon.

Related: Beware of Fake News! Lacson Assures No Cut in Pension

“Our retired military and uniformed personnel will get the much-deserved increase in their pension retroactively, once President Rodrigo Duterte signs the budget bill into law,” paliwanag ni Lacson sa pagsusulong ng nabanggit na umento.

Nasa P876.42 milyon ang isinulong ni Lacson na dagdag para sa mga pensyon para sa 4,869 na beterano.

“It’s bad enough that some parties continue to peddle lies to confuse the public, all to keep their pork. It’s worse if they claim they are doing this in the name of transparency. Fake news na, fake transparency pa,” dagdag ni Lacson.

Bukod sa nabanggit na hakbang, magkasama ring isinulong ni Lacson at ng kanyang mistah na si Senador Gregorio Honasan II ang naging Joint Resolution 01 na naglalayong itaas ang base pay sa hanay ng militar at uniformed personnel.

Iminungkahi din ng senador na sa ilalim ng 2019 budget ay dagdagan ng P666.219 milyon ang budget ng Veterans Memorial Medical Center upang madagdagan ang pondo nito sa pagbili ng mga gamot at ibang pangangailangan ng mga pasyente.

“The VMMC said the price index for medicines went up, and this will affect its service to its patients. During the budget hearing of the Department of Health, I asked DOH Sec. Francisco Duque III if there was indeed such a price increase for medicine, and he confirmed it. That prompted me to seek an institutional amendment for the VMMC’s budget for medicines,” paliwanag pa ni Lacson.

Sa usapin ng badyet ng ibang ahensiya, isinulong ni Lacson ang pagtapyas sa Road Right of Way sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil hindi na umano ito kailangan ng ahensiya.

Sa deliberasyon ng Senado sa 2019 budget ng DPWH, inamin ng mga opisyales nito na mayroon pa silang natirang pondo sa nakalipas na taon para sa nabanggit na bayarin.

*****