Matapos na tila ‘matulog sa pansitan’ sa nakalipas na ilang administrasyon, ganap nang naging batas at mapapakinabangan na ng mamamayan ang panukalang National ID ni Senador Panfilo Lacson.
Ang naturang panukala na inumpisahang isulong ni Lacson taong 2001 nang maging senador siya sa unang pagkakataon ay ganap nang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang Republic Act 11055 sa isang seremonyas sa Malacanang.
Ipinaabot ni Lacson ang personal niyang pasasalamat sa Pangulong Duterte dahil bagama’t halos nasa kalagitnaan pa lamang ang termino nito ay napabilang na ang panukala sa mga nalagdaan bilang batas.
Related: Lacson Expects National ID System to Speed Up Transactions, Deter Crime
Continue reading “National ID ni Ping, Pirmado Na!”